Psalm 100
Make a joyful noise unto the LORD all ye lands! Serve the LORD with gladness; come before His presence with thanks singing. know ye that the LORD He is GOD: it is He that made us, and not ourselves; we are His people, and the sheep of His pasture. Enter into His gates with thanksgiving, and into His courts with praise: be thankful unto Him, and bless His name. For the LORD is good; His mercy is everlasting; and His truth endureth to all generations.
Then let us adore and give Him all glory and power, all wisdom and might,
all honor and blessings,,,
Thanksgiving is not just a day celebration but a way of life.
"Turn, O backsliding children, saith the LORD' for I am married unto you: and I will take you one of a city, and two of a family, and I will bring you to Zion: And I will give you a pastors according to mine heart, which shall feed you with with knowledge and understanding." - Jeremiah 3:14, 15
About Me
- kingjosiah
- Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper
Sunday, November 27, 2011
"Signal Lights" ng Buhay Kristiyano
Wednesday, October 19, 2011
Unanswered Prayer
(Juan 11:1-39)
Introduction:
Patuloy ba tayong naghihintay sa Panginoon para sa mga unanswered prayers natin?
Para bang napakatagal na ng paghihintay natin?
O tuwirang hindi Niya sinagot ang ating mga panalangin.
Matutunan nawa natin sa ating pag-aaral ngayon ang prinsipyong ‘paano kumilos ang ating Panginoon sa mga “unanswered prayer “ sa ating buhay.
A.Ibig ng Diyos na Ilapit natin sa Kanya ang mga Alalahanin natin
(v.1)- hindi na bago sa Panginoon ang pagkakasakit ng kanyang mga mahal, mga mananampalataya,, bagamat hindi ito ang kanyang pangunahing layunin,,,
(v.2-3) -Ibig ng Diyos na ilapit natin sa panalangin sa kanya ang lahat ng ating mga alalahanin, mga mahal sa buhay na may pangangailangan, o may karamdaman.
(v.4) – subalit hindi agad na tumutugon ang Panginoon sa ating mga panalangin tulad ng inaasam natin!!
Mayruong mas maganda at napaka-gracious na intensyon ang ating Diyos kung bakit nadedelay ang kanyang pagtugon---- ito'y para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Mahal ni Jesus si Lazarus, pero kailangan Niyang gawin iyon!
Kung sa atin man mangyari iyon, - sa ating mga panalangin!!! Ang dapat lang natin gawin: (psalm 62:8) “ Trust in HIM at ALL times”, magpatuloy tayo sa pagtitiwala at umasa sa Kanya sa lahat ng panahon.
Masaya ba ang Diyos kung tayo ay naghihirap sa ating kalagayan? Kung tayo ay nabibigatan? HINDI! Naluluwalhati Siya sapagkat dahil dito sa ating kalagayan, naipapahayag natin ang pangangailangan natin sa Kanya bilang Diyos natin na tanging aasahan sa lahat ng pangangailangan,at lubos natin naipapamalas ang ating pag-titiwala sa kanya, at napapalakas ang ating pananampalataya.
B. Ang Tunay na Layunin ng Pag-“Delay” ng Panginoon: (vv.14-15)
Upang ang ibang tao, sa ating paligid na wala pa sa pananampalataya sa Panginoong Jesus ay magkaruon ng pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng ating nararanasan. – AMEN!
Sa katulad na pangyayari naman, may dakilang layunin ang Panginoong Diyos para sa atin kaya’t hindi Niya laging tinutugon ang ating mga panalangin sa paraang inaasahan natin, o kung kailan natin inaasahan ito! Minsan may mga ginagamit siyang tao para i-delay ang sagot niya,,, minsan ang kasambahay natin,,, minsan pangyayari sa ibang tao na nasasangkot tayo.
(Romans 8:28-29) – lagi nating maasahan ang ating Panginoong Jesus na gagawin Niya ang lahat ng bagay para sa ikabubuti natin – dahil nuong una pa bago patayo ipanganak sa mundo ,,, may nakatalaga na sa atin – at ito ay ang maging katulad ng larawan ng kanyang Anak! (Christ-likeness).
C. ANO ang dahilan ng pagtangis ng Panginoong Jesu-Cristo (vv. 32-36)
Bagamat alam ng panginoon itong nangyari kina Lazarus ay para sa kaluwalhatian ng Diyos,,, naruon pa rin ang pagpapakita ng Panginoon ng pagdamay sa magkakapatid dahil sa pagkawala ng kanilang kapatid na si lazarus.
Naruruon ang kahabagan ng Panginoon sa mga nararanasan o nararamdaman natin,,, kung hirap-na-hirap ka na sa kalagayan mo o karamdaman mo,,, doble ang paghihirap ng kaluoban ng Panginoon para sa iyo. Sobrang habag ng Panginoon sa magkakapatid kaya Siya ay tumangis. Paano ba ang mawalan ng mahal sa buhay?
Dalawang REACTION ng mga Judio sa Pagtangis ng Panginoon (vv.35-37)
Positive (+) at negative (-) !
1. Kung ang Panginoon ay matagal sa kanyang pagtugonsa kahilingan natin mula sa panalangin,,, napaka dali nating magduda! Magalinlangan?! – gagaling pa ba ako? Aasenso pa ba ako? Giginhawa pa ba ako? BAKIT kaya pinahihintulot ng Panginoon na maranasan ko ito?
2. Kung tayo ba ay nahihirapan, o di kaya nakikita natin ang ibang taong nagdaramdam,,, naitutuon ba natin ang ating paningin sa pag-ibig ng Diyos para sa iba o nakatuon tayo duon sa hindi pagkilos ng Panginoon para sa pangangailangan ng isang taong nangangailangan.
Ang ISANG MABUTING AMA, ay tumutugon sa kanyang anak na may pagmamahal at pagkahabag kung sila ay may dinaramdam,,,o pangangailangan lalo na sa problema bilang isang indibidwal.
Pag lumapit ba sa inyo ang inyong anak at humingi ng pagkain bibigyan ninyo ng lason?! –o eto lason mamatay ka na!? HINDI! Kahit pasaway iyan at laging tumataas ang “high blood” mo!
TULAD sa Diyos Ama, dahil tayo ay kanyang mga anak (Juan 1:12) ang ating Panginoong Diyos ay, nag-aalala sa atin kung tayo man ay dinaramdam,(Psalm 103:13-14)- kanyang pinagagaling ang pusong sugatan (Psalm 147:3)
D.PAANO NATIN MAKITA TINUGON NG Diyos ang ating panalangin?( Juan 11:39)
Kailangan natin minsan na gawin ang mga pinag-uutos sa atin ng Panginoon mula sa kanyang mga Salita, na para bang para sa atin walang saysay.
"Alisin ang bato?!" , ito ang utos ng Panginoon upang maisakatuparan ang kanyang gagawin para kay lazarus at sa mga nakapaligid sa kanya.
Obserbahan:
Si Martha. (v.39)
Bakit tumanggi si Martha na alisin ang bato?
Sa pagka-alam niya nabubulok na si Lazarus, wala ng saysay pa,,, Amen!!
Minsan ganuon tayo sa ating buhay pananampalataya,,
kadalasan pagpinagsasa-ulo tayo ng mga talata ,,, sa isip natin: hindi naman “applicable”sa akin ang verse na ito,,
Bakit,? Kasi namimili ka lang ng magagandang talata na gusto mo lang angkinin.
Application:
"BATO" - naglalarawan ng ating kaisipan, sariling paniniwala, atbp. - silbing hadlang sa mga plano ng ating Diyos para tayo mabiyayaan.
kailangang mawala ang mga kakitiran ng ating pag-iisip, kasalanan sa ating mga puso. at kung mawala ang batong ito ,,, ang mga palapalagay na nagiging matibay na sandigan sa buhay subalit walang matibay na batayan,magkakaruon ng daan upang ang Salita ng Diyos ay makapasok sa puso.
Kung ating tatanggapin ang Salita ng Panginoon at magtiwala sa kkanyang kapangyarihan at katapatan, makikita natin ang kaluwalhatian ng Diyos.
Kailangan nating alisin ang nakaharang sa ating puso - ang bato,,,!
Naranasan nyo na ba ang Panginoon sa kanyang Salita, na may gusto Siyang ipagawa sa iyo, pero sa iyong isipan,,, "wala namang kwenta" hindi ako ang tinutukoy dito?!",, subalit kailangang gawin mo,,,kailangan pala iyon para matugunan ang kahilingan mo.
Illustration:
" Confess your sin! "– alam mo wala ka namang kasalanan.
" Forgive" – alam mo wala ka namang nakaaway o nagawan ng kasalanan.(guilty tayo lahat- binasa lang natin pero walang action na ginawa - walang pagtugon)
Ang hamon ng Salita ng Panginoon,,
May panalangin ka bang hindi tinutugon ng Panginoon,,, "alisin ang bato!", tinig ng Panginoon para sa iyo...
una kailangang aminin mo sa iyong sarili na ikaw ay makasalanan-pagsisihan mo ang iyong kasalanan sa oras na ito.
tanggapin mo na kailangan mo ng isang tagapagligtas - ang panginoong Jesus ang kailangan mo.
Tanggapin mo Siya bilang sarili mong tagapagligtas at Panginoon- tumawag ka sa Kanyang pangalan sa panalangin (Roma 10:13) - ang sinumang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas..
Sa mga mananampalataya, manatili tayo sa pagtitiwala sa Salita ng Panginoon, lagi nating asahan na ang pagtugon ng Panginoon sa ating mga panalangin ay hindi ayon sa mga inaasahan natin o ayon sa ating inaakala. kailangan nating sumunod lagi sa mga ipinag-uutos ng Diyos sa atin mula sa kanyang Salita kahit pa nga ito ay tila walang katuturan para sa atin.
Magpasalamat tayong lagi sa Diyos, sa kabila ng ating kawalan ng katapatan sa kanya - nananatili pa rin ang katapatan at biyaya ng Diyos sa atin, anuman ang maging kasalanan natin at pagkukulang natin sa ating Panginoong Diyos.
Kadalasan sa ating buhay, alam agad natin kung bakit hindi tinugon ng Panginoon ang ating mga panalangin. Maaaring sa "hindi" na pagtugon ng Panginoon ay maglalagay naman sa atin sa mas mainam na kalagayan - tulad ng mataas na puwesto sa trabaho o di kaya suweldo, sa mga kabinataan/kadalagahan na naghangad ng makakasama sa habang buhay, mas karapatdapat na mapapangasawa ang ibibigy sa iyo ng Panginoon kaya di Niya tinugon o ibinigay ang hinihiling mong "partner" sa buhay - "thy will be done Lord" huwag "give me John", ang dapat ipanalangin.
Sa hindi pagtugon sa ating panalangin, maaari ring tulad kina Maria at Marta - napatotoohan natin ang isang kagulat-gulat na himala mula sa Panginoon na nagturo sa mga tao patungo sa ating Panginoong Jesus.
Sa kabilang banda naman, sa hindi pagtugon sa ating panalangin, ito naman ang nagtutulak sa atin na magduda o magalinlangan. kung para bang hindi naririnig ang ating mga karaingan, ang hamon sa atin - patuloy tayong lumapit sa Panginoon,at pagkatiwalaan Siya.

Tuesday, October 11, 2011
Bakit natin Babasahin ang Bibliya?
Dahil ang mensahe nito ay tama at walang pagbabago:
Sapagkat, “ Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, at ang lahat ng karangalan ng tao ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo’y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta; Datapuwat ang Salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabuting balita na ipinararangal sa inyo.” – (1 Pedro 1:24,25)
“Sapagkat ang Salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat Niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.” (Awit 33:4)
Sapagkat ito ay kinasihan ng Diyos:
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.” (2 Timoteo 3:16)
“At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso; Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” (2 Pedro 2:19-21)
Sapagkat ipinapakita nito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan:
“At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” (2 Timoteo 3:15)
“Kung tinatanggap natin ang patutuo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Diyos: sapagkat ito papatotoo tungkol sa kanyang Anak. Ang nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanya: ang hindi nananampalataya sa Diyos ay ginagawang isang sinungaling ang Diyos: sapagkat hindi sumasampalataya sa patotoo na ibinigy ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.” ( 1 Juan 5:9-12)
“Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.” ( Juan 3:16-18)
Monday, September 26, 2011
Grow Up!
Ephesians 4:15(a) " But speaking the truth in love, may grow up into him in all things,"
Ephesians 4:14(a) " That we henceforth be no more children tossed to and fro, and carried about with every doctrine ,"
God wants us to grow up like Christ in everything,,, we are not meant to remain as children in Christ. Our heavenly Father's goal is for us to mature and develop the characteristics of our LORD JESUS CHRIST. But, sad to say - many Christians grow older but never grow up stuck in spiritual infancy, because they intended not to grow.
Our Spiritual growth is not automatic. It takes an intention, self-will commitment. we must decide to grow, want to grow, and make an effort to grow, as well as persist in growing. Becoming like Christ begins with a decision.
The LORD calls us, first in salvation - and we respond.
Nothing forms our life more than the commitments we choose to make. Our commitments can - either develop us or they can destroy us.
Most people miss GOD's purpose for their lives because of commitments.
There are some people who are afraid to commit to anything and just drift through life. Some make a full commitment to worldly ambitions, such as becoming wealthy and famous, but only to find themselves at the end disappointed and bitter.
The day of the Lord will come as a thief in the night,the heavens shall pass away with a great noise, and the elements shall melt with fervent heat, the earth also and the works that are therein shall be burned up. Every choice we make has eternal consequences, so better choose wisely.

Monday, September 19, 2011
The Lord Jesus Christ's Mission
(Juan 12:27-32)
"Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Ngunit dahil dito ay naparito ako sa oras na ito."
Nang ang Panginoong Cristo Jesus, ay nakabayubay sa krus, nagsasaya naman si Satanas. Inisip niya na nagtagumpay siya sa pakikipagdigma laban sa Diyos. Subalit, kabaligtaran sa kanyang kaalaman - dahil ang katotohanan, talunan na siya.
Marami sa mga kristiyano, pakiwari nila, hindi pa nagagapi si Satanas.
Kung kaya't ang iba sa kanila nahihirapan sa kanilang kalagayan at pamumuhay kristiyano?! at naghihirap,,, nag-struggle laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyangyarihan,sa mga namamahala ng kadiliman ng sanlibutan!
Huwag nating kalimutan ang ating pakikibaka ay hindi sa laman at dugo - " Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanlibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan" (Epeso 6:12 )
Hindi man napuksa ang kaaway sa krus, subalit sa takdang panahon, ibubuli siya sa dagat-dagatang apoy at asupre - (Pahayag 21:2,10) "at sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na siyang Diyablo at Satanas, at iginapos na isang libong taon," " at ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man."
Sa ngayon, siya ay patuloy na naghahari sa mga taong wala kay Cristo Jesus. Subalit ang kapangyarihan niya sa mga mananampalataya ay nawasak/ napuksa duon sa krus ng kalbaryo.
Tayong mga mananampalataya ay hindi para sa sanlibutang ito, tayong mananampalataya ay may bahagi sa kaharian ng Diyos - (Juan 17:16) " Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan." ang wika ng Panginoong Jesus.
Kung kaya, ang Panginoon ang tanging may hawak sa ating tadhana.
Tandaan din natin, si Satanas ay manlilinlang.
Ibig niyang ang mga tao ay maniwala sa kanya na siya ang naghahari dito sa ibabaw ng lupa,- at panghinaan ng luob, mawalan ng pag-asa sa bawat nakikitang kaguluhan sa wasak na kapaligiran dahil sa kagagawan niya. SA katunayan, tinawag siya ni Lord Jesus ng "the ruler of this world' (Juan 12:31) huwag din nating kaligtan ang kabuuan ng talata, ang "ruler"na ito - si satanas, ay palalayasin sa takdang panahon ng ating Panginoon.
Hindi magagawang utusan ng diablo ang mananampalataya na magkasala. Maari siyang manukso, subalit walang kapangyarihan upang puwersahin sumuway sa kalooban ng Diyos - (Roma 6;14)
Higit sa lahat hindi niya maaaring hatulan ang mga tagasunod ni Cristo - ( Roma 8:1)
Ginawang lahat ni satanas ang magagawa niya upang pigilan ang plano at kapangyarihan ng Diyos sa daigdig nang ang Panginoong Jesus ay naririto pa sa lupa. Subalit lubos na kabiguan lamang ang kanyang natamo.
Ang kalaban ay nagapi nang ang Panginoong Jesus ay buong kababaang pinagbayaran ang buong halaga ng kabayaran ng kasalanan ng sanlibutan - nakaraan, kasalukuyan, at sa hinaharap - Siya bumangon na nagtagumpay sa kamatayan.
Ang mananampalataya ng Panginoong Jesus ay nagsasalo-salo sa Tagumpay, na dulot ng pagkamatay, pagkalibing, at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesu-Cristo - at ngayon Siya ay nasa piling ng Diyos Ama, sa takdang panahon, Siya ay muling babalik upang kunin ang sa kanya.
Glory to God!
Hindi Lubos na Mabuti
Isaiah 1:18,19
" Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magsipangatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang nieve; bagaman maging mapula gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa, Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain;"
Walang sino man ang lubos na mabuti upang iligtas ang kanyang sarili, subalit walang sino mang ubod ng sama ang hindi maililigtas ng ating Panginoong Jesus.
Maaaring nag-iisip kayo sa ngayon, ano ba ang maaari kong gawin sa aking mga kasalanan.
maraming mga tao ang nag-iisip na hindi sila makakapunta sa langit dahil hindi sila mabuting tao, kung kaya't nagpapakasama na lang sila ng husto!
Nakakalungkot isipin, lalo pa nga't alam natin sa ating mga sarili na tayo ay hindi lubos na mabuti upang magmana ng langit.
Ano nga ba ang maaari nating gawain upang magmana tayo ng langit, upang pagnamatay ako sa langit tiyak ang ating tungo?
Ang kasagutan ay ibinigay na sa atin ng Panginoong Jesus: nang Siya ay namatay, at ipinako sa krus, pinagbayaran ng Panginoon ang buong halaga ng kabayaran ng ating mga kasalanan. At ito ay ginawa sa atin ng Panginoong Jesus ng walang anumang kapalit na kabayaran mula sa atin - LIBRE!
Hinugasan ng dugo ni Jesus ang ating mga pagkakasala.
Kamangha-mangha ang biyaya ng Diyos, Amen!
Purihin ang ngalan ng Diyos
"sapagkat sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamgitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwagmagmapuri." - (Epeso 2:8,9)
Thursday, September 15, 2011
Causes of Personal Failure
1. Drifting through life without a Definite Goal
- Not knowing where you are going.
- Find out what God wants for you - one direction.
- Set Goals and keep those goals in front of you.
- As you reach your goal, set new goals.
- Aim at something or you will hit nothing.
- Think BIG!
- don't worry about other's social standing.
- The size of their house.
- Their Income.
- Be concerned about that which you have control over.
- You can be uneducated formerly and still have information on a subject.
- Use available Information. Don't go out and build a car on your own.
- Christians are LAX in this area.
- Will cause you to become lazy and good for nothing.
- Make yourself do something that you don't want to do.
- Without it you won't be very spiritual.
- It cost no more to shoot at eagles than skunks.
- many people say, "Oh, I couldn't do that."
- I don't have what it takes
- my personality is not right.
- POSITIVE ATTITUDE
- I feel great
- I could fight a tiger.
- HENRY FORD said, " IF YOU THINK YOU CAN, YOU ARE RIGHT; IF YOU THINK YOU CAN'T, YOU ARE
- As man thinketh in his heart so is he. Proverbs 23:7
- Lose temper.
- React too rapidly to a situation.
- Proverbs 29:18 "Where there is no vision, the people perish: but he that keepeth the law, happy is he.
- The world is going to hell.
- Picture in your mind a blue print.
Managing Yourself
(Ecclesiastes 3:1)
"To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven"
Why manage Yourself?
If you don't manage yourself, something else will and YOU may not accomplish what you really want to do.
A. The scripture indicates that you should manage yourself - (Eccl. 3:1)
1) We are to use time wisely - (Ephesians 5:15, 16) "See then that ye walk circumspectly, not as fools, but as wise, Redeeming the time, because the days are evil."
2) The Christian is held accountable for the time, talent, and treasure God gives him.
B.) The very nature of time makes it necessary that you manage yourself.
1) Time cannot be stopped.
2) Time cannot be stretched.
3) Time cannot be reproduced.

Pamumuhay Kristyano
"Kaya nga ,mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y namamanhik sa inyo" ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal, at kalugod-lugod sa kanya. ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos - kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap."
- Roma 12:1-2Ang ating Diyos ay naghahangad ng karapat-dapat na pagsamba / paglilingkod mula sa atin, at ito ay nararapat :
Dahil sa kanyang masaganang habag sa atin - (v.1a)
Ang kanyang kagandahang-loob ay magpakailan man - (Mga Awit 136:1-26)
Dahil sa ikaw, at ako ay may kakayahan "ngayon" - (v.1b) ", inyong iharap ang inyong mga katawan na isang hain na buhay"
"Sino ang humahatol sa alila ng iba? Sa kanyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. oo patayuin siya; sapagkat makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo." - (Roma 14:4)
"lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin
Wednesday, August 24, 2011
Pagharap sa mga Hadlang sa Buhay - (Joshua 6:1-5)
Bawat isa sa atin ay nahaharap sa mga problema na para bang wala ng kalutasan, o hindi mo maisip ang maaring solusyon. Dahil dito nagsisilbi itong harang o hadlang sa atin na nagreresulta ng pagkahinto ng mga ginagawa natin o di naman kaya ay pagbagal sa pag-abante ng gawain.
Ganuon pa man, tandaan natin na ang mga hadlang na iyan sa ating buhay ay nasasakop ng kapangyrihan ng ating Panginoong Diyos. Walang malaking problema sa napaka makapangyarihang Diyos, at walang mahirap na bagay para sa Kanya - "Ako si Yahweh, ang Diyos na limikha sa lahat ng tao walang bagay na mahirap para sa akin." (Jeremias 32:27)
Pinanghihinaan tayo kung minsan ng ating luob kung tayo ay nakakasalubong ng sagabal sa atingdinadaanan dahil, hindi maganda ito sa ating pakiramdam, kung minsan naman parang ang hirap lampasan at kadalasan nakakainis sa pakiramdam at para bang hindi na mawawala ang mga hadlang na ito sa ating landas. Huwag tayong manlupaypay?! sapagkat, hindi man natin nakikita, ang ating Diyos ay gumagawa sa mga hadlang na ito s ating buhay. subalit, kadalasang inaasahan ng Diyos na may paghahanda naman tayong ginagawa para sa ating sarili. sa pagharap ng mga kahirapan o kabigatan sa ating buhay, ituon natin lagi ang ating mga paningin sa Panginoon. - "Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at Siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi Niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at Siya ngayo'y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos." - (Mateo 12:2)
Sa mga hadlang o mabigat na problemang kinakaharap natin sa buhay, may kasiguruhan tayong matatanggp mula sa ating Panginoong Diyos na ito'y kanyang tatanggalin para sa atin, tulad ng kasiguruhang tinanggap ng mga anak ni Israel nang kanilang sakupin ang Jerico, " Sinabi ni Yahweh kay Josue: Pakinggan mo ito! ipalulupig ko sa inyo ang Jerico, sampu ng kanyang hari at magigiting na kawal." - ( Josue 6:2)
Malinaw din ang tagubilin ng Panginoon sa atin upang makamit ang tagumpay,,,tulad sa naging tagumpay ng mga anak ni Israel - "Ikaw at ang iyong mga kawal ay liligid sa palibot ng Jerico minsan isang araw sa luob ng anim na araw. pauunahin mo sa kaban ng Tipan ang pitong saserdoteng may dalang mga tambuli. Sa ika-7 araw, makapito kayong liligid sa lunsod, at hihipan ng mga saserdote and dala nilang tambuli. Pagkarinig ninyo ng isang malakas at mahabang tunog ng tambuli, sisigaw kayong lahat nang ubod-lakas. Sa sandaling iyon babagsak ang muog at walang SAGABAL na makakapasok sa lunsod ang lahat." - - ( Josue 6:3-5 ).
Anu-ano ang mga dahilan upang patuloy nating iwasan ang pagtugon/pagtupad sa kaluoban ng Panginoong Diyos?
Maaring hindi tulad ng naranasan ng mga Isrelita ang sagabal na nararanasan mo ngayon sa iyong buhay-mananampalataya. lagi nating tandaan, aalisin ng Diyos ang bawat sagabal na humaharang sa kanyang kaluoban at plano para sa iyong buhay.
"Alalahanin mong lagi itong aking tagubilin: Magpakatatag ka at tibayan mo ang iyong luob. Huwag kang matakot o mawalan ng pag-asa. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos ay sasaiyo saan ka man pumunta." - ( Josue 1:9)

Sunday, August 21, 2011
Ang Panalangin ng Mananampalataya
pray without ceasing 1Thessalonians 5:17 |
Pag-isipan natin ang mga oras na madalas tayong nanalangin - sa bahay-sambahan, sa oras ng ating "quite time", bago kumain, bago matulog, at lalong-lalo na sa oras na tayo ay nakakaranas ng kagipitan sa ating buhay - "crisis".
Sa 1Thessalonians 5:17, tinuturuan tayong manalanging walang humpay, nagpapatuloy sa pananalangin, sa lahat ng oras,,, na ang ibig sabihin, maging kasama na natin ito sa saan man tayo pumunta, ano man ang ating ginagawa, maging buhay na natin ang pananalangin. Maging ito na rin ang hininga natin. Kung tayo ay hindi nakakalimot huminga, ganuon na rin dapat ang panalangin sa ating sistema. Kung paanong mahalaga ang paghinga sa ating katawang lupa, ganuon din kahalaga ang panalangin sa ating kaluluwa.
Ang panalangin ay hindi lamang pakikipag-usap sa ating Diyos, kundi ito man ay may pakikinig at pagtanggap mula sa ating Diyos.
Ang Panginoong Jesus ay nagtuturo sa atin sa Matthew 6:6 kung saan mananalangin, "Kungkayo ay mananalangin, pumunta kayo sa inyong silid, ipinid and pinto at manalangin kayo sa Ama, na Siyang hindi nakikita. At ang Amang nakakakita sa lihim o tagong ginagawa, ay magkakaluob sa inyo ng gantimpala."
Friday, August 19, 2011
REJOICE
testing time: Maria jaychel,Arianne, Hum-hum (Pre-schoolers) |
MJ - one year old lady |
Maria jaychel with her collection of fun |
Josiah, Ikhel, elsa on the foreground, arianne, Mj-(hidden) |
Pj, Ian, Jan paul, carmela, Jem-jem |
have fun watching the dancing water: Ian, Jayvee, Carmela, Ella Mei, Jem-jem, |
let's pray before eating: Josiah @ Maria Jaychel |
Rejoice, O young man, in thy youth; and let thy heart cheer thee in the days of thy youth, and walk in the ways of thine heart, and in the sight of thine eyes: but know thou, that for all these things God will bring thee into judgment.
Therefore remove sorrow from thy heart, and put away evil from thy flesh; for childhood and youth are vanity.
(Ecclesiastes 11:9, 10)
Spiritual Sowing
children's party : the kids are (clockwise) Josiah, Maria Jaychel, Jemalyn, Ella Mei, Jan Kharl (partially hidden) the guardian during the party, Carmela - 2011 |
Ecclesiastes 11:1,2
Cast thy bread upon the waters; for thou shalt find it after many days.
Give a portion to seven, and also to eight; for thou knowest not what
evil shall be upon the earth.
Ang mga Manggagawa sa Ubasan
Mateo 20:1-15 ; Filipos 2:19
"ang paghahari ng Diyos ay tulad nito, lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denario maghapon, sila'y pinapunta niya sa kanyang ubasan. lumabas siyang muli nag mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang ttayu-tayo lamang sa liwasang - bayan. Sinabi niya sa kanila, "Pumaruon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. at pumaruon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya. nang mag-iikalima na ng hapon, siya'y lumabas muli, at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo tatayu-tayo dito sa maghapon?' "wala pong magbigay sa amin ng trabaho eh!" sagot nila. At sinabi niya, "kung gayon, pumasok kayo at gumawa sa aking ubasan."
Pagtatakip-silim na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala,"Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila'y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho." Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang , at nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; subalit ang bawat isa'y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, " Isang oras lang po gumawa ang mga nahuling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakakapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?" At sinabi niya sa kanila,"kaibigan hindi kita dinadaya. Hindi ba nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo?" Wala ba akong kkarapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang luob?"
Sa pagtugon natin sa katawagan ng ating Panginoong Diyos sa kanyang gawain, lagi nating alalahanin; hindi madali ang "Ministry", maraming problema, maraming pagsubok at paghamon. Nariyang makakaranas tayo mula sa ibang tao ng panunukat sa ating kakayahan habang ginaganap natin ang ating tungkulin, at sa pagpapatupad natin sa iba't-ibang gawain sa mga taong nasasakop ng ating pamumuno.
Huwag mong isipin kung ano ang maari mong mapakinabangan o mapapala a paglilingkod. Sa halip, isipin mo lagi, kung ano ang maaari mong ibigay, maibahagi, o ano pa ang maaari mong magawa sa ikalalawak ng gawain sa Panginoon.
Sa paglilingkod sa gawaing nauukol sa ating Panginoon, madalas na hindi ka mapupuna sa pagganap nito, huwag tayong magrereklamo kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iba.
"kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti' pagdating ng takdang panahon, tayo'y mag-aani kung hindi tayomagsasawa. Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapuwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya" ( Galatia 6:9, 10 )

Thursday, August 18, 2011
ANG PAG-AASAWA
"Ito ang dahilan kaya iniwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila'y nagiging iisa." (Genesis 2:24)
Ang pag-aasawa ay itinatag ng Diyos sa halamanan ng Eden tanda ng ppanghabangbuhay na pag-iisa ng isang lalaki at babae. Ibig Niyang pahalagahan ng tao ang pag-aasawa.
Ang pag-aasawa ay itinatag ng Diyos sa halamanan ng Eden tanda ng ppanghabangbuhay na pag-iisa ng isang lalaki at babae. Ibig Niyang pahalagahan ng tao ang pag-aasawa.
Thursday, August 11, 2011
ALALAHANIN
Ang pag-aalaala ay hindi lamang sa isip kundi lalo na sa gawa. Pag-aalaala sa pamamagitan ng gawa - ganito ang pamamaraan ng ating Panginoong Diyos. naalaala Niya ang kanyang tipan kay Noe kaya hindi na Siya muling magpapadala ng baha; naalaala Niya ang Kanyang tipan kay Abraham nang iligtas niya ang mga kababayan nito sa pagkaalipin sa Egipto; naalaala niya si Ana sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang anak; naalaala Niya ang kasalanan ng kanyang bayan kaya pinrusahan, at pilit rin naman niyang huwag nang alalahanin ang mga kasalanang ito at patawarin na sila.
Nais naman ng ating Panginoong Diyos na ang ating pag-aalaala ay lakipan ng gawa, tulad ng pagtitiwala sa kanya. Inaalala nating Siya ang may kakayahang magkaluob ng lahat ng kailangan natin sa araw-araw, bagamat tayo ay kumikilos para sa ating mga sarili. Pinagkakaluoban Niya tayo ng lakas ng katawan upang magawa ang mga simpleng gawain sa luob ng ating bahay.

Subscribe to:
Posts (Atom)