About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper
Showing posts with label salvation. Show all posts
Showing posts with label salvation. Show all posts

Thursday, January 23, 2014

Taon 2014

Ngayon ang panahon upang tayo ay magtatag,,,
Bagong Taon, bagong panimula, bagong pag-asa mula sa ating Panginoon.
Ano ba ang inaasahan mo sa taong ito, 2014?
Kung tutuusin,,, maraming dapat asahan, subalit, ano kaya ang magiging bahagi natin sa magagandang parte ng inaasahan nating mabuti para sa taong 2014?


2014, sa biyaya ng Diyos, naranasan pa natin ang pagdatng nito sa ating buhay?! kaya't huwag nating sayangin ang pagkakataong ito. Ito ay biyaya ng Diyos, at ang biyaya ng Diyos ay laging sariwa araw-araw.

Kung wala ka pang RELASYON sa ating Panginoong Jesus, ngayon ang panahon upang tanggapin mo siya bilang sarili mong tagapag-ligtas at Panginoon ng iyong buhay.

Pagsisihan mo na ikaw ay makasalanan, at ang iyong mga kasalanan.

Paniwalaan mong lahat ng ginawa Niya sa krus ng kalbaryo para sa pagtubos ng kasalanan.

Manampalataya ka sa Panginoong Jesu-Kristo at  bigkasin  mo ito sa iyong bibig na kahit pabulong, Romans 10:13 " For whosoeveer shall call upon the name of the Lord shall be saved.". 

Paniwalaan mo at panghawakan mo ang pangako ng Diyos at pagpapatunay ng Kanyang pag-ibig sa atin na nakasaad sa Banal na Kasulatan:

John 3:16 For GOD so loved the world, that HE gave HIS only begotten SON, that whosoever believeth in HIM should not perish but have everlasting life.)

Monday, September 19, 2011

Hindi Lubos na Mabuti

Isaiah 1:18,19 
" Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magsipangatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman  ang inyong mga kasalanan ay maging tila  mapula, ay magiging mapuputi na parang nieve; bagaman maging mapula gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa, Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain;"


Walang sino man ang lubos na mabuti upang iligtas ang kanyang sarili, subalit walang sino mang ubod ng sama ang hindi maililigtas ng ating Panginoong Jesus.

Maaaring nag-iisip kayo sa ngayon, ano ba ang maaari kong gawin sa aking mga kasalanan. 
maraming mga tao ang nag-iisip na hindi sila makakapunta sa langit dahil hindi sila mabuting tao, kung kaya't nagpapakasama na lang sila ng husto! 

Nakakalungkot isipin, lalo pa nga't alam natin sa ating mga sarili na tayo ay hindi lubos na mabuti upang magmana ng langit.
Ano nga ba ang maaari nating gawain upang magmana tayo ng langit, upang pagnamatay ako sa langit tiyak ang ating tungo? 

Ang kasagutan ay ibinigay na sa atin ng Panginoong Jesus: nang Siya ay namatay, at ipinako sa krus, pinagbayaran ng Panginoon ang buong halaga ng kabayaran ng ating mga kasalanan. At ito ay ginawa sa atin ng Panginoong Jesus ng walang anumang kapalit na  kabayaran mula sa atin - LIBRE!  
Hinugasan ng dugo ni Jesus ang ating mga pagkakasala.
Kamangha-mangha ang biyaya ng Diyos, Amen!

Purihin ang ngalan ng Diyos

"sapagkat sa  biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamgitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwagmagmapuri." - (Epeso 2:8,9)