Dahil ang mensahe nito ay tama at walang pagbabago:
Sapagkat, “ Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, at ang lahat ng karangalan ng tao ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo’y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta; Datapuwat ang Salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabuting balita na ipinararangal sa inyo.” – (1 Pedro 1:24,25)
“Sapagkat ang Salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat Niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.” (Awit 33:4)
Sapagkat ito ay kinasihan ng Diyos:
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.” (2 Timoteo 3:16)
“At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso; Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” (2 Pedro 2:19-21)
Sapagkat ipinapakita nito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan:
“At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” (2 Timoteo 3:15)
“Kung tinatanggap natin ang patutuo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Diyos: sapagkat ito papatotoo tungkol sa kanyang Anak. Ang nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanya: ang hindi nananampalataya sa Diyos ay ginagawang isang sinungaling ang Diyos: sapagkat hindi sumasampalataya sa patotoo na ibinigy ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.” ( 1 Juan 5:9-12)
“Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.” ( Juan 3:16-18)
No comments:
Post a Comment