"Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:"
huminto sandali sa mga ginagawa, at paka-isipin kung ito ba ay ayon sa kaluoban ng ating Panginoon.
Huminto sa mga gawaing hindi kaaya-aya sa paningin ng Diyos.
HUMINTO sa kasalanang iyong kinasasadlakan sa ngayon,,,,at pagsisihan!
(1 Juan 1:9) - " Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan."
umayon ka sa kaluoban ng Panginoon!
mag-ingat, sapagkat ang diablo ay tulad sa isang umuungal na leon,,, naka-abang sa kanyang masisila,,,
MAGTIWALA AT MANAMPALATAYA KA LAMANG SA PANGINOONG CRISTO JESUS, AT IKAW AY MALILIGTAS.
( MGA GAWA 16:31) - "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan"
Go! sa paglilingkod sa ating Panginoon at Tagapagligtas!
sikaping lumago sa biyaya at kaalaman ng Panginoong Jesus.
(2Pedro3:18) - "Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Siya nawa."
No comments:
Post a Comment