Bawat isa sa atin ay nahaharap sa mga problema na para bang wala ng kalutasan, o hindi mo maisip ang maaring solusyon. Dahil dito nagsisilbi itong harang o hadlang sa atin na nagreresulta ng pagkahinto ng mga ginagawa natin o di naman kaya ay pagbagal sa pag-abante ng gawain.
Ganuon pa man, tandaan natin na ang mga hadlang na iyan sa ating buhay ay nasasakop ng kapangyrihan ng ating Panginoong Diyos. Walang malaking problema sa napaka makapangyarihang Diyos, at walang mahirap na bagay para sa Kanya - "Ako si Yahweh, ang Diyos na limikha sa lahat ng tao walang bagay na mahirap para sa akin." (Jeremias 32:27)
Pinanghihinaan tayo kung minsan ng ating luob kung tayo ay nakakasalubong ng sagabal sa atingdinadaanan dahil, hindi maganda ito sa ating pakiramdam, kung minsan naman parang ang hirap lampasan at kadalasan nakakainis sa pakiramdam at para bang hindi na mawawala ang mga hadlang na ito sa ating landas. Huwag tayong manlupaypay?! sapagkat, hindi man natin nakikita, ang ating Diyos ay gumagawa sa mga hadlang na ito s ating buhay. subalit, kadalasang inaasahan ng Diyos na may paghahanda naman tayong ginagawa para sa ating sarili. sa pagharap ng mga kahirapan o kabigatan sa ating buhay, ituon natin lagi ang ating mga paningin sa Panginoon. - "Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at Siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi Niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at Siya ngayo'y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos." - (Mateo 12:2)
Sa mga hadlang o mabigat na problemang kinakaharap natin sa buhay, may kasiguruhan tayong matatanggp mula sa ating Panginoong Diyos na ito'y kanyang tatanggalin para sa atin, tulad ng kasiguruhang tinanggap ng mga anak ni Israel nang kanilang sakupin ang Jerico, " Sinabi ni Yahweh kay Josue: Pakinggan mo ito! ipalulupig ko sa inyo ang Jerico, sampu ng kanyang hari at magigiting na kawal." - ( Josue 6:2)
Malinaw din ang tagubilin ng Panginoon sa atin upang makamit ang tagumpay,,,tulad sa naging tagumpay ng mga anak ni Israel - "Ikaw at ang iyong mga kawal ay liligid sa palibot ng Jerico minsan isang araw sa luob ng anim na araw. pauunahin mo sa kaban ng Tipan ang pitong saserdoteng may dalang mga tambuli. Sa ika-7 araw, makapito kayong liligid sa lunsod, at hihipan ng mga saserdote and dala nilang tambuli. Pagkarinig ninyo ng isang malakas at mahabang tunog ng tambuli, sisigaw kayong lahat nang ubod-lakas. Sa sandaling iyon babagsak ang muog at walang SAGABAL na makakapasok sa lunsod ang lahat." - - ( Josue 6:3-5 ).
Anu-ano ang mga dahilan upang patuloy nating iwasan ang pagtugon/pagtupad sa kaluoban ng Panginoong Diyos?
Maaring hindi tulad ng naranasan ng mga Isrelita ang sagabal na nararanasan mo ngayon sa iyong buhay-mananampalataya. lagi nating tandaan, aalisin ng Diyos ang bawat sagabal na humaharang sa kanyang kaluoban at plano para sa iyong buhay.
"Alalahanin mong lagi itong aking tagubilin: Magpakatatag ka at tibayan mo ang iyong luob. Huwag kang matakot o mawalan ng pag-asa. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos ay sasaiyo saan ka man pumunta." - ( Josue 1:9)
No comments:
Post a Comment