Isaiah 1:18,19
" Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magsipangatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang nieve; bagaman maging mapula gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa, Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain;"
Walang sino man ang lubos na mabuti upang iligtas ang kanyang sarili, subalit walang sino mang ubod ng sama ang hindi maililigtas ng ating Panginoong Jesus.
Maaaring nag-iisip kayo sa ngayon, ano ba ang maaari kong gawin sa aking mga kasalanan.
maraming mga tao ang nag-iisip na hindi sila makakapunta sa langit dahil hindi sila mabuting tao, kung kaya't nagpapakasama na lang sila ng husto!
Nakakalungkot isipin, lalo pa nga't alam natin sa ating mga sarili na tayo ay hindi lubos na mabuti upang magmana ng langit.
Ano nga ba ang maaari nating gawain upang magmana tayo ng langit, upang pagnamatay ako sa langit tiyak ang ating tungo?
Ang kasagutan ay ibinigay na sa atin ng Panginoong Jesus: nang Siya ay namatay, at ipinako sa krus, pinagbayaran ng Panginoon ang buong halaga ng kabayaran ng ating mga kasalanan. At ito ay ginawa sa atin ng Panginoong Jesus ng walang anumang kapalit na kabayaran mula sa atin - LIBRE!
Hinugasan ng dugo ni Jesus ang ating mga pagkakasala.
Kamangha-mangha ang biyaya ng Diyos, Amen!
Purihin ang ngalan ng Diyos
"sapagkat sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamgitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwagmagmapuri." - (Epeso 2:8,9)
No comments:
Post a Comment