About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Thursday, August 11, 2011

ALALAHANIN

Ang pag-aalaala ay hindi lamang sa isip kundi lalo na sa gawa. Pag-aalaala sa pamamagitan ng gawa - ganito ang pamamaraan ng ating Panginoong Diyos. naalaala Niya ang kanyang tipan kay Noe kaya hindi na Siya muling magpapadala ng baha;  naalaala Niya ang Kanyang tipan kay Abraham nang iligtas  niya ang  mga kababayan nito sa pagkaalipin sa Egipto; naalaala niya si Ana sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang anak; naalaala Niya ang kasalanan ng kanyang bayan kaya pinrusahan, at pilit rin naman niyang huwag nang alalahanin ang mga kasalanang ito at patawarin na sila.

Nais naman ng ating Panginoong Diyos na ang ating pag-aalaala ay lakipan ng gawa, tulad ng pagtitiwala sa kanya. Inaalala nating Siya ang  may kakayahang magkaluob ng lahat ng kailangan natin sa araw-araw, bagamat tayo ay kumikilos para sa ating mga sarili. Pinagkakaluoban Niya tayo ng lakas  ng katawan upang magawa ang mga simpleng gawain sa luob ng ating bahay.

No comments:

Post a Comment