About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Sunday, August 21, 2011

Ang Panalangin ng Mananampalataya

pray without ceasing 1Thessalonians 5:17
Ang panalangin ay nararapat na maging palagiang bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Pag-isipan natin ang mga oras na madalas tayong nanalangin - sa bahay-sambahan, sa oras ng ating "quite time", bago kumain, bago matulog, at lalong-lalo na sa oras na tayo ay nakakaranas ng kagipitan sa ating buhay - "crisis".

Sa  1Thessalonians 5:17, tinuturuan tayong manalanging walang humpay, nagpapatuloy sa pananalangin, sa lahat ng oras,,, na ang ibig sabihin, maging kasama na natin ito sa saan man tayo pumunta, ano man ang ating ginagawa, maging buhay na natin ang pananalangin. Maging ito na rin ang hininga natin. Kung tayo ay hindi nakakalimot huminga, ganuon na rin dapat ang panalangin sa ating sistema. Kung paanong mahalaga ang paghinga sa ating katawang lupa, ganuon din kahalaga ang panalangin sa ating kaluluwa.

Ang panalangin ay hindi lamang pakikipag-usap sa ating Diyos, kundi ito man ay may pakikinig at pagtanggap mula sa ating Diyos.

Ang Panginoong Jesus ay nagtuturo sa atin sa Matthew 6:6 kung saan mananalangin, "Kungkayo ay mananalangin, pumunta kayo sa inyong silid, ipinid and pinto at manalangin kayo sa Ama, na Siyang hindi nakikita.  At ang Amang nakakakita sa lihim o tagong ginagawa, ay magkakaluob sa inyo ng gantimpala."




No comments:

Post a Comment