About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Monday, September 19, 2011

The Lord Jesus Christ's Mission




(Juan 12:27-32)
"Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking  sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Ngunit dahil dito ay naparito ako sa oras na ito."

 Nang ang Panginoong Cristo Jesus, ay nakabayubay sa krus, nagsasaya naman si Satanas.  Inisip niya na nagtagumpay siya sa pakikipagdigma laban sa Diyos. Subalit, kabaligtaran sa kanyang kaalaman -  dahil ang katotohanan, talunan na siya.

Marami sa mga kristiyano, pakiwari nila, hindi pa nagagapi si Satanas.
Kung kaya't ang iba sa kanila nahihirapan sa kanilang kalagayan at pamumuhay kristiyano?! at naghihirap,,, nag-struggle laban sa mga pamunuan, laban sa mga  kapangyangyarihan,sa  mga namamahala ng kadiliman ng sanlibutan!
Huwag nating kalimutan ang ating pakikibaka ay hindi sa laman at dugo - " Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanlibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan" (Epeso 6:12 ) 


     Hindi man napuksa ang kaaway sa krus, subalit sa takdang panahon, ibubuli siya sa dagat-dagatang apoy at asupre - (Pahayag 21:2,10) "at sinunggaban  niya ang dragon, ang matandang ahas na siyang Diyablo at Satanas, at iginapos na isang libong taon," " at ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man."

Sa ngayon,  siya ay patuloy na naghahari sa mga taong wala kay Cristo Jesus.  Subalit ang kapangyarihan niya sa mga mananampalataya ay nawasak/ napuksa duon sa krus ng kalbaryo.
Tayong mga mananampalataya ay hindi para sa sanlibutang ito, tayong mananampalataya ay may bahagi sa kaharian ng Diyos - (Juan 17:16) " Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan." ang wika ng Panginoong Jesus.


Kung kaya, ang Panginoon ang tanging may hawak sa ating tadhana.


Tandaan din natin, si Satanas ay manlilinlang.
Ibig niyang ang mga tao ay maniwala sa kanya na siya ang naghahari dito sa ibabaw ng lupa,- at panghinaan ng luob, mawalan ng pag-asa sa bawat nakikitang kaguluhan sa wasak na kapaligiran dahil sa kagagawan niya.  SA katunayan, tinawag siya ni Lord Jesus ng "the ruler of this world' (Juan 12:31) huwag din nating kaligtan ang kabuuan ng talata, ang "ruler"na ito - si satanas, ay palalayasin sa takdang panahon ng ating Panginoon.

Hindi magagawang utusan ng diablo ang mananampalataya na magkasala.   Maari siyang manukso, subalit walang kapangyarihan upang puwersahin sumuway sa kalooban ng Diyos - (Roma 6;14)

Higit sa lahat hindi niya maaaring hatulan ang mga tagasunod ni Cristo - ( Roma 8:1)

Ginawang lahat ni satanas ang magagawa niya upang pigilan ang plano at kapangyarihan ng Diyos sa daigdig nang ang Panginoong Jesus ay naririto pa sa lupa. Subalit lubos na kabiguan lamang ang kanyang natamo.

Ang kalaban ay nagapi nang  ang Panginoong Jesus  ay buong kababaang pinagbayaran ang buong halaga ng kabayaran ng kasalanan ng sanlibutan - nakaraan, kasalukuyan, at sa hinaharap - Siya bumangon na nagtagumpay sa kamatayan.

Ang mananampalataya ng Panginoong Jesus ay nagsasalo-salo sa Tagumpay, na dulot ng pagkamatay, pagkalibing, at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesu-Cristo - at ngayon Siya ay nasa piling ng Diyos Ama, sa takdang panahon, Siya ay muling babalik upang kunin ang sa kanya.

Glory to God!



 

No comments:

Post a Comment