About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Friday, August 19, 2011

Ang mga Manggagawa sa Ubasan

Mateo 20:1-15 ; Filipos 2:19

"ang paghahari ng Diyos ay tulad nito, lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denario maghapon, sila'y pinapunta niya sa kanyang ubasan. lumabas siyang muli nag mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang ttayu-tayo lamang sa liwasang - bayan. Sinabi niya sa kanila, "Pumaruon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. at pumaruon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya. nang mag-iikalima na ng hapon, siya'y lumabas muli, at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo tatayu-tayo dito sa maghapon?' "wala pong magbigay sa amin ng trabaho eh!" sagot nila. At sinabi niya, "kung gayon, pumasok kayo at gumawa sa aking ubasan."

Pagtatakip-silim na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala,"Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila'y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho." Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang , at nang lumapit ang mga nauna, inakala  nilang tatanggap sila nang higit doon; subalit ang bawat isa'y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, " Isang oras lang po gumawa ang mga nahuling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakakapasong init  ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?" At sinabi niya sa kanila,"kaibigan hindi kita dinadaya. Hindi ba nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo?" Wala ba akong kkarapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang luob?"

Sa pagtugon natin sa katawagan ng ating Panginoong Diyos sa kanyang gawain, lagi nating alalahanin; hindi madali ang "Ministry", maraming problema, maraming pagsubok at paghamon. Nariyang makakaranas tayo mula sa ibang tao ng panunukat sa ating kakayahan habang ginaganap natin ang ating tungkulin, at sa pagpapatupad natin sa iba't-ibang gawain sa mga taong nasasakop ng ating pamumuno. 

Huwag mong isipin kung ano ang maari mong mapakinabangan o mapapala a paglilingkod. Sa halip, isipin mo lagi, kung ano ang maaari mong ibigay, maibahagi, o ano pa ang maaari mong magawa sa ikalalawak ng gawain sa Panginoon.

Sa paglilingkod sa gawaing nauukol sa ating Panginoon, madalas na hindi ka mapupuna sa pagganap nito, huwag tayong magrereklamo kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iba.

"kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti' pagdating ng takdang panahon, tayo'y mag-aani kung hindi tayomagsasawa. Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapuwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya"            ( Galatia 6:9, 10 )   









No comments:

Post a Comment