About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Wednesday, August 24, 2011

Pagharap sa mga Hadlang sa Buhay - (Joshua 6:1-5)

Bawat isa sa atin ay nahaharap sa mga  problema na para bang wala ng kalutasan, o hindi mo maisip ang maaring solusyon. Dahil dito nagsisilbi itong harang o hadlang sa atin na nagreresulta ng pagkahinto ng mga ginagawa natin o di naman kaya ay pagbagal sa pag-abante ng gawain.

Ganuon pa man, tandaan natin na ang mga hadlang na iyan sa ating buhay ay nasasakop ng kapangyrihan ng ating Panginoong Diyos. Walang malaking problema sa napaka makapangyarihang Diyos,  at walang mahirap na bagay para sa Kanya - "Ako si Yahweh, ang Diyos na limikha sa lahat ng tao walang bagay na mahirap para sa akin." (Jeremias 32:27)


Pinanghihinaan tayo kung minsan ng ating luob kung tayo ay nakakasalubong ng sagabal sa atingdinadaanan dahil, hindi maganda ito sa ating pakiramdam, kung minsan naman  parang ang hirap lampasan at kadalasan nakakainis sa pakiramdam at para bang hindi na mawawala ang mga hadlang na ito sa ating landas. Huwag tayong manlupaypay?! sapagkat, hindi man natin nakikita, ang ating Diyos ay gumagawa sa mga hadlang na ito s ating buhay. subalit, kadalasang inaasahan ng Diyos na may paghahanda naman tayong ginagawa para sa ating sarili. sa pagharap ng mga kahirapan o kabigatan sa ating buhay, ituon natin lagi ang ating mga paningin sa Panginoon. - "Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at Siya ring nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi Niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at Siya ngayo'y nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos." -  (Mateo 12:2)

Sa mga hadlang o mabigat na problemang kinakaharap natin sa buhay, may kasiguruhan tayong matatanggp mula sa ating Panginoong Diyos na ito'y kanyang tatanggalin para sa atin, tulad ng kasiguruhang tinanggap ng mga anak ni Israel nang kanilang sakupin ang Jerico, " Sinabi ni Yahweh kay Josue: Pakinggan mo ito! ipalulupig ko sa inyo ang Jerico, sampu ng kanyang hari at magigiting na kawal." - ( Josue 6:2)

Malinaw din ang tagubilin ng Panginoon sa atin upang makamit ang tagumpay,,,tulad sa naging tagumpay ng mga anak ni Israel  - "Ikaw at ang iyong mga kawal ay liligid sa palibot ng Jerico minsan isang araw sa luob ng anim na araw. pauunahin mo sa kaban ng Tipan ang pitong saserdoteng may dalang mga tambuli. Sa ika-7 araw, makapito kayong liligid sa lunsod, at hihipan ng mga saserdote and dala nilang tambuli. Pagkarinig ninyo ng isang malakas at mahabang tunog ng tambuli, sisigaw kayong lahat nang ubod-lakas. Sa sandaling iyon babagsak ang muog at walang SAGABAL na makakapasok sa lunsod ang lahat." -         - ( Josue 6:3-5 ).

Anu-ano ang mga dahilan upang patuloy nating iwasan ang pagtugon/pagtupad sa kaluoban ng Panginoong Diyos?

Maaring hindi tulad ng naranasan ng mga Isrelita ang sagabal na nararanasan mo ngayon sa iyong buhay-mananampalataya. lagi nating tandaan, aalisin ng Diyos ang bawat sagabal na humaharang sa kanyang kaluoban at plano para sa iyong buhay.

"Alalahanin mong lagi itong aking tagubilin: Magpakatatag ka at tibayan mo ang  iyong luob. Huwag kang matakot o mawalan ng pag-asa. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos ay sasaiyo saan ka man pumunta." - ( Josue 1:9)



Sunday, August 21, 2011

Ang Panalangin ng Mananampalataya

pray without ceasing 1Thessalonians 5:17
Ang panalangin ay nararapat na maging palagiang bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Pag-isipan natin ang mga oras na madalas tayong nanalangin - sa bahay-sambahan, sa oras ng ating "quite time", bago kumain, bago matulog, at lalong-lalo na sa oras na tayo ay nakakaranas ng kagipitan sa ating buhay - "crisis".

Sa  1Thessalonians 5:17, tinuturuan tayong manalanging walang humpay, nagpapatuloy sa pananalangin, sa lahat ng oras,,, na ang ibig sabihin, maging kasama na natin ito sa saan man tayo pumunta, ano man ang ating ginagawa, maging buhay na natin ang pananalangin. Maging ito na rin ang hininga natin. Kung tayo ay hindi nakakalimot huminga, ganuon na rin dapat ang panalangin sa ating sistema. Kung paanong mahalaga ang paghinga sa ating katawang lupa, ganuon din kahalaga ang panalangin sa ating kaluluwa.

Ang panalangin ay hindi lamang pakikipag-usap sa ating Diyos, kundi ito man ay may pakikinig at pagtanggap mula sa ating Diyos.

Ang Panginoong Jesus ay nagtuturo sa atin sa Matthew 6:6 kung saan mananalangin, "Kungkayo ay mananalangin, pumunta kayo sa inyong silid, ipinid and pinto at manalangin kayo sa Ama, na Siyang hindi nakikita.  At ang Amang nakakakita sa lihim o tagong ginagawa, ay magkakaluob sa inyo ng gantimpala."




Friday, August 19, 2011

REJOICE

testing time: Maria jaychel,Arianne, Hum-hum (Pre-schoolers)
MJ - one year old lady
Maria jaychel with her collection of fun
Josiah, Ikhel, elsa on the foreground, arianne, Mj-(hidden)
Pj, Ian, Jan paul, carmela, Jem-jem
have fun watching the dancing water: Ian, Jayvee, Carmela, Ella Mei, Jem-jem,
let's pray before eating: Josiah @ Maria Jaychel





Rejoice, O young man, in thy youth; and let thy heart cheer thee in the days of thy youth, and walk in the ways of thine heart, and in the sight of thine eyes: but know thou,  that for all these things God will bring thee into judgment.


Therefore remove sorrow from thy heart, and put away evil from thy flesh; for childhood and youth are vanity.
(Ecclesiastes 11:9, 10)

Spiritual Sowing

children's party : the kids are (clockwise) Josiah, Maria Jaychel, Jemalyn, Ella Mei, Jan Kharl (partially hidden) the guardian during the party, Carmela         - 2011 


Ecclesiastes 11:1,2

Cast thy bread upon the waters; for thou shalt find it after many days.
Give a portion to seven, and also to eight; for thou knowest not what
evil shall be upon the earth.


Ang mga Manggagawa sa Ubasan

Mateo 20:1-15 ; Filipos 2:19

"ang paghahari ng Diyos ay tulad nito, lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denario maghapon, sila'y pinapunta niya sa kanyang ubasan. lumabas siyang muli nag mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang ttayu-tayo lamang sa liwasang - bayan. Sinabi niya sa kanila, "Pumaruon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. at pumaruon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya. nang mag-iikalima na ng hapon, siya'y lumabas muli, at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo tatayu-tayo dito sa maghapon?' "wala pong magbigay sa amin ng trabaho eh!" sagot nila. At sinabi niya, "kung gayon, pumasok kayo at gumawa sa aking ubasan."

Pagtatakip-silim na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala,"Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila'y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho." Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang , at nang lumapit ang mga nauna, inakala  nilang tatanggap sila nang higit doon; subalit ang bawat isa'y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, " Isang oras lang po gumawa ang mga nahuling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakakapasong init  ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?" At sinabi niya sa kanila,"kaibigan hindi kita dinadaya. Hindi ba nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo?" Wala ba akong kkarapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang luob?"

Sa pagtugon natin sa katawagan ng ating Panginoong Diyos sa kanyang gawain, lagi nating alalahanin; hindi madali ang "Ministry", maraming problema, maraming pagsubok at paghamon. Nariyang makakaranas tayo mula sa ibang tao ng panunukat sa ating kakayahan habang ginaganap natin ang ating tungkulin, at sa pagpapatupad natin sa iba't-ibang gawain sa mga taong nasasakop ng ating pamumuno. 

Huwag mong isipin kung ano ang maari mong mapakinabangan o mapapala a paglilingkod. Sa halip, isipin mo lagi, kung ano ang maaari mong ibigay, maibahagi, o ano pa ang maaari mong magawa sa ikalalawak ng gawain sa Panginoon.

Sa paglilingkod sa gawaing nauukol sa ating Panginoon, madalas na hindi ka mapupuna sa pagganap nito, huwag tayong magrereklamo kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iba.

"kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti' pagdating ng takdang panahon, tayo'y mag-aani kung hindi tayomagsasawa. Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapuwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya"            ( Galatia 6:9, 10 )   









Thursday, August 18, 2011

ANG PAG-AASAWA

"Ito ang dahilan kaya iniwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila'y nagiging iisa." (Genesis 2:24)

Ang pag-aasawa ay itinatag ng Diyos sa halamanan ng Eden tanda ng ppanghabangbuhay na pag-iisa ng isang lalaki at babae. Ibig  Niyang pahalagahan ng tao ang pag-aasawa.

Thursday, August 11, 2011

ALALAHANIN

Ang pag-aalaala ay hindi lamang sa isip kundi lalo na sa gawa. Pag-aalaala sa pamamagitan ng gawa - ganito ang pamamaraan ng ating Panginoong Diyos. naalaala Niya ang kanyang tipan kay Noe kaya hindi na Siya muling magpapadala ng baha;  naalaala Niya ang Kanyang tipan kay Abraham nang iligtas  niya ang  mga kababayan nito sa pagkaalipin sa Egipto; naalaala niya si Ana sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang anak; naalaala Niya ang kasalanan ng kanyang bayan kaya pinrusahan, at pilit rin naman niyang huwag nang alalahanin ang mga kasalanang ito at patawarin na sila.

Nais naman ng ating Panginoong Diyos na ang ating pag-aalaala ay lakipan ng gawa, tulad ng pagtitiwala sa kanya. Inaalala nating Siya ang  may kakayahang magkaluob ng lahat ng kailangan natin sa araw-araw, bagamat tayo ay kumikilos para sa ating mga sarili. Pinagkakaluoban Niya tayo ng lakas  ng katawan upang magawa ang mga simpleng gawain sa luob ng ating bahay.