About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Wednesday, December 25, 2013

Why the Manger?

(Luke 2:7 )

Have you wondered why Christ was laid in a manger?
Tinanong ba natin yan sa ating mga sarili?  Bakit nga ba sa pasabsaban ng mga hayop?
May tatlong spiritual implication

1. The Manger perfectly pictures His Rejection
     a. There was no room for Him in the Inn, = maraming silid,,, pero walang lugar para sa Panginoon
Room for business in the Inn
Room for pleasure in the Inn
Room for others in the Inn
         Lahat ng silid (room) na yan ay walasa luob  ang Panginoon, dahil kung papasukin nila ang Panginoon,,, malaking pagbabago ang magaganap sa ating lipunan.  amen!!!
         Wala sanang nagaganap  na pandaraya sa presyo at timbang sa mga pamilihan ng pangunahing pangangailangan natin.

          Dumating ang Panginoon sa sanlibutan, na, kung tutuusin ay Kanya subalit walang tumanggap sa Kanya.  Siya ang Verbo sa simula, ang salita, na, sa pamamagitan Niya ang lahat ay nalikha. ang sandaigdigan ay nilikha sa pamamagitan Niya. Hindi Siya nakikilala ng sangkatauhan. (John 1:1-14)

2. The Manger perfectly pictures His Redemption
        Ang dalawang tanda na ibinigay ng anghel sa mga pastol ng tupa sa parang:

  • Wrapped in swadling clothes.  =  pagpapahiwatig ng kanyang kamatayan,,, nababalot ng telang ginagamit sa pagbalot ng katawang ililibing.
  • Lying in a manger - (Lamb of God) siya ang  cordero ng Diyos na tinutukoy sa  John  -1:29.
Cordero ng Diyos ayon sa aklat ng Revelation 5:9-14; 7:10-17;
Sa pag-alala natin ng kapanganakan ng Paginoong Jesus, alalahanin din natin ang kanyang kamatayan, sapagkat ang buong diwa ng "Pasko", ay pag-ibig, pagbibigay, pagtanggap, at pagpapatawad.

3. The Manger perfectly pictures His Reachability
        Ang unang binalita ng mga anghel sa kapanganakan ng Messias, ay ang mga pastol ng tupa sa parang. ang pinaka mababang kalagayan sa buhay, subalit hindi naman abang kalagayan.

Kahit sino maaring makalapit sa pasasabsaban, matanda, bata, lalaki, babae, mayaman o mahirap. lahat ng uri ng kalagayan sa lipunan.

Lahat ay tatanggapin ng Panginoon ang sinumang lumapit sa kanya at hindi Niya itatakwil. - (John 6:37)
ang mabutig balita ay, saan ka man naruon aabutin ka ng Panginoon saan ka man naruruon, anuman ang kalagayan mo sa buhay, o anuman ang kinakaharap mong pagsubok / hamon / dagok sa buhay.
John 3:16 gayun na lang ang pagmamahal sa atin ng Diyos, upang patunayan sa atin ang pagmamahal na ito ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaruon ng buhay na walang hanggan.

Ano ba ang tunay na kahulugan ng kapanganakan ni Lord Jesus Christ  para sa iyo!?
Ang iyo bang tagapagligtas ay yaong nasa pasabsaban? Nasa krus?


Sa susunod na bumati ka ng Maligayang Pasko sa kapwa, hatid mo rin sa kanya ang magandang balita tungkol sa kaligtasan.

Maligayang Pasko sa Lahat!!!!







Saturday, December 7, 2013

The Key to Answered Prayer - Matthew 7:7-11


I. Introduction:
Paano ba tayo mag-react, kung ang Diyos ay hindi tumugon sa ating mga panalangin sa nais nating maging tugon?
Kadalasang madaling sumuko ang kristyano sa ganitong sitwasyon sa panalangin,,,( Matthew 7:7-8, Jesus promised, “Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you. For everyone who asks receives, and he who seeks finds, and to him who knocks it will be opened.”)

God responds when His children seek His face with perseverance and confidence.

II. If we want the Lord to answer our prayers, we must . . .

Pray with perseverance. 

1. What did Jesus mean when He said “seek” and “knock” in Matthew 7:7-8? He was inviting believers to approach the Father freely with our petitions, fully expecting Him to provide all we need.  “Seek, and keep on seeking” and “knock, and keep on knocking.”

2. The Father always responds to our prayers-

Tatlong anyo ang sagot ng Diyos sa ating mga panalangin,,,

Una, “yes” immediate agad-agad, sa loob lamang ng "a short period of time".

Sa mabilis na pagsagot ng Diyos sa ating kahilingan sa Kanya sa panalangin, iminumulat Niya ang ating mga mata sa, kung paano o gaano Siya katapat sa ating ibang mga pangangailangan na dinadala sa kanyang harapan sa pamamagitan ng ating panalangin.

Another answer is “wait.” 

Kung nararamdaman mo na parang "wait" ang sagot Niya sa prayers mo, ask Him to  reveal any wrong motives or incorrect perspectives which might be contributing to the delay (James 4:3).

Persevering in prayer gives the Father the opportunity to work within us and our circumstances. 

A third way God responds is "NO". The Father knows your needs and desires, and He truly wants to meet them. However, He will sometimes withhold what we want if it is not His best for our lives. Nevertheless, we should keep praying—at the right time, the Lord will meet our desires in the most satisfying way possible.

Pray with confidence. 

1. Confidence in prayer is belief in the trustworthiness of God.
Pagkatiwalaan natin ang ating Diyos ama sa langit na makapagbibigay sa atin ng kapaki-pakinabang na handog  (Matt. 7:9-11).

2. It’s always best to wait on God’s perfect timing.
Isipin na lang natin kung paano ang pag-hihintay na ginawa nina Mary at Martha sa Panginoon, habang nasa malalang kundisyon si Lazarus sa kanyang taglay na karamdaman?!

Sa una, inantala ng Panginoon ang pagtugon sa kanila, at hindi maganda ang dulot nito sa magkapatid dahil parang binale wala ng Panginoon ang kanilang pangangailangan.
Kung minsan hindi natin maintindihan ang sagot ng Panginoon sa ating hiling, lagi lang nating isipin at paniwalaan, may maganda siyang plano para sa atin kung bakit ganuon ang naging tugon niya sa atin.

Hindi lang niya pinagaling si Lazarus, binuhay pa niya mula sa kamatayan. (John 11:1-44).

Hanggang sa ngayon, pinag-uusapan pa rin sa ating mga pagtitipon ang nangyaring ito kay Lazarus at sa PAnginoon, amen?!  Ito ay kapahayagan na ang Panginoon ay mayruong "power over death".

 Is there something you’ve been asking God for but have yet to receive? If so, do not be discouraged. Persist in prayer, confident that He is preparing something special for you. Let Him work in your heart and circumstances.

Perhaps He’ll soon provide exactly what you are requesting, or maybe you will be surprised with a better gift. Your Heavenly Father enjoys giving to you because He loves you and wants you to experience intimacy with Him—the best gift anyone will ever have.


Sunday, November 24, 2013

Be of Good Cheer - Huwag Matakot!


(Matthew 14:22-36)

Introduction:
A. The Calm before the storms - Matthew 14: 15-21

Nasaksihan ng mga alagad ang kapangyarihan ng Panginoong Jesucristo, ng magpakain ng mahigit na 5,000 katao sa pamamagitan ng 5 tinapay at 2 isda mula sa baon ng isang munting bata.  Subalit ang tanong, "Natanim ba ito sa isipan ng mga alagad? Nakilala ba nila ang tunay na pagkatao ng Panginoong Jesucristo?
Pagkatapos ng matagumpay na pagpapakain sa karamihan, kasunod naman ay ang sumunod na pagsubok.  Bumagsak sila sa isang pagsusulit sa kanilang pananampalataya sa Panginoon, nang mangailangan silang pakainin ang karamihan.


  • Sending the disciples away in a ship - (v.22)

Inutusan ang mga apostoles na sumakay ng bangka upang pumakabilang bahagi ng dagat. Makikita natin sa talatang ito ang "divine direction" ng Panginoon para sa mga alagad.


  • The Savior praying on the mountain -(v.23)

kasunod naman nito ang pagpapa-uwi Niya sa mga tao, pagkatapos Siya ay umakyat ng bundok upang manalangin at hanggang abutin na Siya ng gabi.
Hindi nawawala sa Panginoon  ang oras ng pakikipag-niig sa Diyos Ama. ( ''prayer life'' ng Panginoon)
kumusta ang ''prayer life'' ng mga mananampalataya?
Kumusta ang "quiet Time" mo para sa Panginoon? (Mark 1:35, 6:46 ; solitary communion Luke 5:15,16)

B. The Storm.

  • Pictures the Storm of life.
Habang nananalangin ang Panginoon sa bundok nakakaranas naman ang mga apostoles na naglalayag sa dagat ng isang unos. "Unos", na lumalarawan sa "unos ng buhay".


  • The disciples struggled with high waves and winds.(v. 24)

Bigla nilang naranasang nag-iba ang ihip ng hangin at tumaas ang mga alon sa dagat.  Mga bihasa sa buhay dagat ang ilang mga apostol sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila, ang pangingisda. Subalit hindi nila napansing may bagyong parating ng sila'y pasakayin ng Panginoon at papuntahin sa kabila ng dagat?!
Bihasa mang mandaragat, nakaranas pa rin ng takot, at pagdududa ang mga sakay ng bangka.

Sa ating buhay pananampalataya man, ay di rin natin alam kung kailan darating ang isang "unos" sa ating buhay, ang isang problema na ikabibigla na lang natin at ito'y nasa ating harapan  na . kadalasang sa mga mga ganitong kalagayan sa buhay hindi nawawala sa atin ang mangamba, matakot sa kung ano ang magiging kahihinatnan. May mga nagagawa tayong desisyon sa ating buhay na sa halip na mapabuti ang ating kalagayan, mas napapasama pa.



  • Jesus came walking on the sea encouraging them - (v.25-27)


"Walking on the sea"  sinong pangkaraniwang tao ang may kapangyarihang salungatin ang batas ng kalikasan?
Ang Panginoong Jesus,naglalakad sa ibabaw ng dagat, na may malakas na hangin at matataas na alon?! Wow?!?!  "Power over nature"
Subalit sa halip na magkaruon ng tapang sa kasalukuyang sitwasyon, dahil nakita nilang dumating ang Panginoon -  lalo pang pinanghinaan ng luob at nangatakot sapagkat inakala nilang multo ang nakikita nila,,,, napangkaraniwang nakikita natin sa mga taong nasa paligid natin mga mapamahiin at nagpapaniwala sa multo.

Bagamat ganuon ang naging pagtanggap nila sa Panginoon, may "encouragement" pa ring lumabas sa bibig ng Panginoon, "words of encouragement",    "Be of good cheer; It is I; be not afraid."

Mga kristyano, hindi natin kailangang matakot sa mga problemang dumarating sa atin, maaring may pagka-bigla at biglang pagkatakot, saubalit di tayo dapat manatili sa ating takot. Ang takot na di dapat mawala sa atin  ay ang TAKOT sa ating DIYOS - ang "reverential fear".

C. Peter's Challenge: "If it be thou, bid me come unto thee on the water." Matthew 14:28

Kung ikaw nga iyan Panginoon pahintulutan mo akong makalakad sa tubig papunta sa iyo?!



THE INVITATION TO FAITH - v.29


  • "Come", word of invitation    Napakaraming mga paanyayang mababasa tayo sa Salita ng Diyos, mula sa Pangioong Jesus.
    • "come unto me...," - (Matthew 11:28)
    • Paanyaya (invitation) ng Panginoon sa mga batang lumapit sa kanya - ( Matthew 19;14)
    • Inaanyayahan ang mga nauuhaw na lumapit at uminnom _ John &;37
    • Ang lahat ng magsisilapit sa Kanya ay tatanggapin _ (John 6:37)
COME TO JESUS AND TRUST HIM AS SAVIOR

Lumabas ng Bangka si Pedro at nag-umpisang HUMAKBANG  at lumakad sa tubig. - (Matthew 14:29)
     Pagpapahiwatig ng pananampalataya.
  • Bilang mangingisda, alam ni Pedro ang kalagayan n g dagat. Wala pang taong nakapaglakad sa ibabaw ng tubig maliban na lamang sa mga oras na iyon, si Lord Jesus Christ.
  • Lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig at natutunan niyang  makapangyariihan ang Panginoon.
Sa Paglakad ni Pedro sa tubig, ito'y kapahayagan ng lubos na pagtitiwala sa Diyos sa halip na sa tao, pagtititwala ng lubos sa mga Salita  ng Diyos sa halip na sa mga salita ng tao at mga politiko (Psalm 118:8,9);
(Proverbs 3:5)

Panghawakan natin ang mga pangako ng Panginoon sa Kanyang Banal na Kasulatan patungkol sa kanyang mga Pangakotungkol sa pagbibigay natin sa Panginoon, hindi lamang ang laman ng ating mga bulsa o pitaka, kundi ang pagbibigay ng ating sarili sa Panginoon. Sa pagbibigay, hindi natin nalalaman kung ano ang magiging kapalit nito o kung paano ipagkakaluob ng Panginoon ang ating mga pangangailangan.

Huwag nating limitahan ang Panginoon sa ating tatanggapin sa Kanya.

Hebrews 11:6 " But without faith it is impossible to please God.

Ang kalaban ng Faith, fear and doubt.- (Matthew 14:30)
"Boisterous wind" - bigla-bigla ang dating biglang ihip at may dalang ulan, = naglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon ng iyong buhay.
  • Believe on the Lord Jesus Christ and you shall be save and your households



TRUSTING GOD

 Trust the Lord with all your heart, and don't depend on your own understanding. Remember the Lord in all you do, and He will give you success
Proverbs 3:5-6

Bible reading :Psalm 40:3-5


Whether times are tough or easy, firm belief in a good and loving God is the only road to vibrant living.

Do you have confidence that God will take care of you and provide what you need? Even when life is difficult,have confidence that God will and always will take care of you and will provide what you NEED and not what you want in daily basis.

When things go your way, always acknowledge that God is the giver of all good gifts.

God's Promises:

God will hear your prayers - Psalm 18.6
God will give you refuge-  Isaiah 4.1-6



We don't have to wait for challenging moments in our life or in our daily circumstance to begin trusting God 

Sunday, November 17, 2013

you were once here boy!

Breast milk from mommy is the very best for baby!!!  at libre siyempre at unlimited because of God's mercy and provision.

pa-cute si baby?!  pati na si daddy/ hmmp!

abot- abot ang smile ni mommy ,,, anyway si baby pa rin ang napapansin dahil sa kanyang double chin??!!
Bago magpunta sa church si papa vio medyo konting lambing kay baby twix,,, kahit pagod napapaawi sa munting ngiti mula sa kanyang mga labi.. kaya lang parang nagpra-practice ng pag-nganga si baby dito ah!? 
Pray-over  after morning Sunday Worship conducted by Pastor Ver Mallari for all infants at Bethany baptist Church Mission - Bagong Silang, Caloocan City (2012)

PAGLAGO sa PAMAMAGITAN ng mga PAGSUBOK - (1Peter 4:12-14)


Introduction:

      May mga ginagamit ang Panginoong  Diyos para sa paglago ng isang mananampalataya. Simula sa ''spiritual'' na kapanganakan (John 3:3-5), ang pag-uumpisa ng paglago ng mananampalataya.  Tulad din sa isang pangkaraniwang pagkakapanganak ng isang bata.  Ang plano ng Diyos ay, kapanganakan, paglaki, at ang pag-abot sa kanyang kasidhian o ''maturity''.
      Ginagamit ng Diyos ang Bibliya, Iglesia o kapulungan ng mga mananampalataya, at ibang mga mananampalataya upang lumago  ang bawat isa sa atin sa spiritwal  (Hebrews 10:25)


A. BAKIT may mga PAGSUBOK ang KRISTIYANO? (V.12)
       "Mangagalak kayo",,,
     Huwag nating pagtakhan o ikagulat, kung may dumarating mang mga pagsubok sa ating buhay kahit pa ito ay ina-akala nating di pangkaraniwang pangyayari sa ating mga buhay.

     Gaano na bang kahirapan ang nararanasan sa ating buhay?
     Anu-ano na bang problema ang dumating na sa atin na masasabi nating di pangkaraniwan ang mga ito?
     Katulad ba iyan ng mga karanasan ng mga taong sinalanta ng bagyong ''Undoy''?  at ngayon naman ay bagyong ''Yolanda'', na naranasan ng mga taga Tacloban, Leyte, Samar, Ormoc nitong November 2013?

Dumadanas tayo ng mga pagsubok/problema sa ating pang-araw-araw na pamumuhay dahil :
  • Tayo ay kabahagi ng makasalanang lahi  (Romans 3:10-23)
  • Tayo ay nakatira sa mundo ng ''natural disaster and turmoil''
  • Tayo ay nakatira sa mundo ng ''krimen'', pagkakasakit, at kamatayan (Hebres 9:27)
B. Ang mga KRISTIYANO ay maraming mga PAGSUBOK dahil si Satanas ay may kapangyarihan. 
     Mayruon tayong tinatawag na ''katunggali'' at ito ay si Satanas.  Hindi natin ito maipagkakaila o maipag-wawalang bahala lamang, sapag ang Diyos ay totoo, ganun din ang kalaban ng Diyos.
Naaalala ba ninyo ang naging galagayan ni Job?  (Job 1:8-22).  Sa kabila ng mga naranasang pagsubok, problema ni Job, hindi siya nagkasala o inakusahan man ang Diyos ng mangmang.  Si Satanas ay dapat din nating pag-ingatan sapagkat siya ay tulad sa gumagalang leon, humahanap ng masisila, umuungol (lPeter 5:8).
      Nagbigay din ang ating Panginoong Jesus ng babala tungkol sa pakikipagdigma nating ''spiritual''
       (John 15:18-20)
C. Paano ba tayong mga Mananampalataya (matured christian) tumugon sa mga pagsubok na dumarating sa ating buhay? ( 1 Peter 4:14 )


  1. "Mangagalak kayo", kahit na tayo ay pinipintasan ng mga tao, o anumang sabihin nila laban sa ating pananampalataya sa ating Panginoon.  Hindi tayo pababayaan ng Panginoon ayon sa Kanyang pangako. Kasama natin ang Panginoon sa ating mga pagsubok.
  2. May mga pagsubok tayong nararanasan sa pananalapi kung minsan.  Subalit sa pamamagitan nitong karanasan na ito matututunan nating maging mapagbigay sa ibang nangangailangan dahil tayo mismo nakaranas na minsan ay wala. Magiging  mapag-alala din tayo sa iba!!! ( Philippians 4:10 ).  nagigipit din tayo "financially" dahil sa ating mga masasamang pagdesisyon sa ating pananalapi, paggastos ng walang kabuluhan o hindi naman kinakailangan.,,, may kristiyano bang mabisyo!?
  3. Mayruon din tayong pagsubok sa ating mga kalusugan o pisikal na pangangatawan. kung minsan kailangan pang magkatrangkaso ng isang linggo ng isang kristiyano, para lang makapag-devotion ng mabuti sa Panginoon.  Para lang makapanalangin ng maayos sa ating Panginoon. 
  4. Kung minsan may dumarating na ''emotional problems'' sa atin. Dahil sa problemang iyan, nagagamit tayo ng Panginoon para sa pag-caounsel sa ibang kapatirang nangangailangan ng payo mula sa mga kristiyano. 


EMOTIONAL PROBLEMS TEACH US TO LEAN ON THE LORD JESUS CHRIST.