About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Wednesday, December 25, 2013

Why the Manger?

(Luke 2:7 )

Have you wondered why Christ was laid in a manger?
Tinanong ba natin yan sa ating mga sarili?  Bakit nga ba sa pasabsaban ng mga hayop?
May tatlong spiritual implication

1. The Manger perfectly pictures His Rejection
     a. There was no room for Him in the Inn, = maraming silid,,, pero walang lugar para sa Panginoon
Room for business in the Inn
Room for pleasure in the Inn
Room for others in the Inn
         Lahat ng silid (room) na yan ay walasa luob  ang Panginoon, dahil kung papasukin nila ang Panginoon,,, malaking pagbabago ang magaganap sa ating lipunan.  amen!!!
         Wala sanang nagaganap  na pandaraya sa presyo at timbang sa mga pamilihan ng pangunahing pangangailangan natin.

          Dumating ang Panginoon sa sanlibutan, na, kung tutuusin ay Kanya subalit walang tumanggap sa Kanya.  Siya ang Verbo sa simula, ang salita, na, sa pamamagitan Niya ang lahat ay nalikha. ang sandaigdigan ay nilikha sa pamamagitan Niya. Hindi Siya nakikilala ng sangkatauhan. (John 1:1-14)

2. The Manger perfectly pictures His Redemption
        Ang dalawang tanda na ibinigay ng anghel sa mga pastol ng tupa sa parang:

  • Wrapped in swadling clothes.  =  pagpapahiwatig ng kanyang kamatayan,,, nababalot ng telang ginagamit sa pagbalot ng katawang ililibing.
  • Lying in a manger - (Lamb of God) siya ang  cordero ng Diyos na tinutukoy sa  John  -1:29.
Cordero ng Diyos ayon sa aklat ng Revelation 5:9-14; 7:10-17;
Sa pag-alala natin ng kapanganakan ng Paginoong Jesus, alalahanin din natin ang kanyang kamatayan, sapagkat ang buong diwa ng "Pasko", ay pag-ibig, pagbibigay, pagtanggap, at pagpapatawad.

3. The Manger perfectly pictures His Reachability
        Ang unang binalita ng mga anghel sa kapanganakan ng Messias, ay ang mga pastol ng tupa sa parang. ang pinaka mababang kalagayan sa buhay, subalit hindi naman abang kalagayan.

Kahit sino maaring makalapit sa pasasabsaban, matanda, bata, lalaki, babae, mayaman o mahirap. lahat ng uri ng kalagayan sa lipunan.

Lahat ay tatanggapin ng Panginoon ang sinumang lumapit sa kanya at hindi Niya itatakwil. - (John 6:37)
ang mabutig balita ay, saan ka man naruon aabutin ka ng Panginoon saan ka man naruruon, anuman ang kalagayan mo sa buhay, o anuman ang kinakaharap mong pagsubok / hamon / dagok sa buhay.
John 3:16 gayun na lang ang pagmamahal sa atin ng Diyos, upang patunayan sa atin ang pagmamahal na ito ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaruon ng buhay na walang hanggan.

Ano ba ang tunay na kahulugan ng kapanganakan ni Lord Jesus Christ  para sa iyo!?
Ang iyo bang tagapagligtas ay yaong nasa pasabsaban? Nasa krus?


Sa susunod na bumati ka ng Maligayang Pasko sa kapwa, hatid mo rin sa kanya ang magandang balita tungkol sa kaligtasan.

Maligayang Pasko sa Lahat!!!!







No comments:

Post a Comment