About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Sunday, November 24, 2013

Be of Good Cheer - Huwag Matakot!


(Matthew 14:22-36)

Introduction:
A. The Calm before the storms - Matthew 14: 15-21

Nasaksihan ng mga alagad ang kapangyarihan ng Panginoong Jesucristo, ng magpakain ng mahigit na 5,000 katao sa pamamagitan ng 5 tinapay at 2 isda mula sa baon ng isang munting bata.  Subalit ang tanong, "Natanim ba ito sa isipan ng mga alagad? Nakilala ba nila ang tunay na pagkatao ng Panginoong Jesucristo?
Pagkatapos ng matagumpay na pagpapakain sa karamihan, kasunod naman ay ang sumunod na pagsubok.  Bumagsak sila sa isang pagsusulit sa kanilang pananampalataya sa Panginoon, nang mangailangan silang pakainin ang karamihan.


  • Sending the disciples away in a ship - (v.22)

Inutusan ang mga apostoles na sumakay ng bangka upang pumakabilang bahagi ng dagat. Makikita natin sa talatang ito ang "divine direction" ng Panginoon para sa mga alagad.


  • The Savior praying on the mountain -(v.23)

kasunod naman nito ang pagpapa-uwi Niya sa mga tao, pagkatapos Siya ay umakyat ng bundok upang manalangin at hanggang abutin na Siya ng gabi.
Hindi nawawala sa Panginoon  ang oras ng pakikipag-niig sa Diyos Ama. ( ''prayer life'' ng Panginoon)
kumusta ang ''prayer life'' ng mga mananampalataya?
Kumusta ang "quiet Time" mo para sa Panginoon? (Mark 1:35, 6:46 ; solitary communion Luke 5:15,16)

B. The Storm.

  • Pictures the Storm of life.
Habang nananalangin ang Panginoon sa bundok nakakaranas naman ang mga apostoles na naglalayag sa dagat ng isang unos. "Unos", na lumalarawan sa "unos ng buhay".


  • The disciples struggled with high waves and winds.(v. 24)

Bigla nilang naranasang nag-iba ang ihip ng hangin at tumaas ang mga alon sa dagat.  Mga bihasa sa buhay dagat ang ilang mga apostol sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila, ang pangingisda. Subalit hindi nila napansing may bagyong parating ng sila'y pasakayin ng Panginoon at papuntahin sa kabila ng dagat?!
Bihasa mang mandaragat, nakaranas pa rin ng takot, at pagdududa ang mga sakay ng bangka.

Sa ating buhay pananampalataya man, ay di rin natin alam kung kailan darating ang isang "unos" sa ating buhay, ang isang problema na ikabibigla na lang natin at ito'y nasa ating harapan  na . kadalasang sa mga mga ganitong kalagayan sa buhay hindi nawawala sa atin ang mangamba, matakot sa kung ano ang magiging kahihinatnan. May mga nagagawa tayong desisyon sa ating buhay na sa halip na mapabuti ang ating kalagayan, mas napapasama pa.



  • Jesus came walking on the sea encouraging them - (v.25-27)


"Walking on the sea"  sinong pangkaraniwang tao ang may kapangyarihang salungatin ang batas ng kalikasan?
Ang Panginoong Jesus,naglalakad sa ibabaw ng dagat, na may malakas na hangin at matataas na alon?! Wow?!?!  "Power over nature"
Subalit sa halip na magkaruon ng tapang sa kasalukuyang sitwasyon, dahil nakita nilang dumating ang Panginoon -  lalo pang pinanghinaan ng luob at nangatakot sapagkat inakala nilang multo ang nakikita nila,,,, napangkaraniwang nakikita natin sa mga taong nasa paligid natin mga mapamahiin at nagpapaniwala sa multo.

Bagamat ganuon ang naging pagtanggap nila sa Panginoon, may "encouragement" pa ring lumabas sa bibig ng Panginoon, "words of encouragement",    "Be of good cheer; It is I; be not afraid."

Mga kristyano, hindi natin kailangang matakot sa mga problemang dumarating sa atin, maaring may pagka-bigla at biglang pagkatakot, saubalit di tayo dapat manatili sa ating takot. Ang takot na di dapat mawala sa atin  ay ang TAKOT sa ating DIYOS - ang "reverential fear".

C. Peter's Challenge: "If it be thou, bid me come unto thee on the water." Matthew 14:28

Kung ikaw nga iyan Panginoon pahintulutan mo akong makalakad sa tubig papunta sa iyo?!



THE INVITATION TO FAITH - v.29


  • "Come", word of invitation    Napakaraming mga paanyayang mababasa tayo sa Salita ng Diyos, mula sa Pangioong Jesus.
    • "come unto me...," - (Matthew 11:28)
    • Paanyaya (invitation) ng Panginoon sa mga batang lumapit sa kanya - ( Matthew 19;14)
    • Inaanyayahan ang mga nauuhaw na lumapit at uminnom _ John &;37
    • Ang lahat ng magsisilapit sa Kanya ay tatanggapin _ (John 6:37)
COME TO JESUS AND TRUST HIM AS SAVIOR

Lumabas ng Bangka si Pedro at nag-umpisang HUMAKBANG  at lumakad sa tubig. - (Matthew 14:29)
     Pagpapahiwatig ng pananampalataya.
  • Bilang mangingisda, alam ni Pedro ang kalagayan n g dagat. Wala pang taong nakapaglakad sa ibabaw ng tubig maliban na lamang sa mga oras na iyon, si Lord Jesus Christ.
  • Lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig at natutunan niyang  makapangyariihan ang Panginoon.
Sa Paglakad ni Pedro sa tubig, ito'y kapahayagan ng lubos na pagtitiwala sa Diyos sa halip na sa tao, pagtititwala ng lubos sa mga Salita  ng Diyos sa halip na sa mga salita ng tao at mga politiko (Psalm 118:8,9);
(Proverbs 3:5)

Panghawakan natin ang mga pangako ng Panginoon sa Kanyang Banal na Kasulatan patungkol sa kanyang mga Pangakotungkol sa pagbibigay natin sa Panginoon, hindi lamang ang laman ng ating mga bulsa o pitaka, kundi ang pagbibigay ng ating sarili sa Panginoon. Sa pagbibigay, hindi natin nalalaman kung ano ang magiging kapalit nito o kung paano ipagkakaluob ng Panginoon ang ating mga pangangailangan.

Huwag nating limitahan ang Panginoon sa ating tatanggapin sa Kanya.

Hebrews 11:6 " But without faith it is impossible to please God.

Ang kalaban ng Faith, fear and doubt.- (Matthew 14:30)
"Boisterous wind" - bigla-bigla ang dating biglang ihip at may dalang ulan, = naglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon ng iyong buhay.
  • Believe on the Lord Jesus Christ and you shall be save and your households



No comments:

Post a Comment