Introduction:
May mga ginagamit ang Panginoong Diyos para sa paglago ng isang mananampalataya. Simula sa ''spiritual'' na kapanganakan (John 3:3-5), ang pag-uumpisa ng paglago ng mananampalataya. Tulad din sa isang pangkaraniwang pagkakapanganak ng isang bata. Ang plano ng Diyos ay, kapanganakan, paglaki, at ang pag-abot sa kanyang kasidhian o ''maturity''.
Ginagamit ng Diyos ang Bibliya, Iglesia o kapulungan ng mga mananampalataya, at ibang mga mananampalataya upang lumago ang bawat isa sa atin sa spiritwal (Hebrews 10:25)
A. BAKIT may mga PAGSUBOK ang KRISTIYANO? (V.12)
"Mangagalak kayo",,,
Huwag nating pagtakhan o ikagulat, kung may dumarating mang mga pagsubok sa ating buhay kahit pa ito ay ina-akala nating di pangkaraniwang pangyayari sa ating mga buhay.
Gaano na bang kahirapan ang nararanasan sa ating buhay?
Anu-ano na bang problema ang dumating na sa atin na masasabi nating di pangkaraniwan ang mga ito?
Katulad ba iyan ng mga karanasan ng mga taong sinalanta ng bagyong ''Undoy''? at ngayon naman ay bagyong ''Yolanda'', na naranasan ng mga taga Tacloban, Leyte, Samar, Ormoc nitong November 2013?
Dumadanas tayo ng mga pagsubok/problema sa ating pang-araw-araw na pamumuhay dahil :
- Tayo ay kabahagi ng makasalanang lahi (Romans 3:10-23)
- Tayo ay nakatira sa mundo ng ''natural disaster and turmoil''
- Tayo ay nakatira sa mundo ng ''krimen'', pagkakasakit, at kamatayan (Hebres 9:27)
Mayruon tayong tinatawag na ''katunggali'' at ito ay si Satanas. Hindi natin ito maipagkakaila o maipag-wawalang bahala lamang, sapag ang Diyos ay totoo, ganun din ang kalaban ng Diyos.
Naaalala ba ninyo ang naging galagayan ni Job? (Job 1:8-22). Sa kabila ng mga naranasang pagsubok, problema ni Job, hindi siya nagkasala o inakusahan man ang Diyos ng mangmang. Si Satanas ay dapat din nating pag-ingatan sapagkat siya ay tulad sa gumagalang leon, humahanap ng masisila, umuungol (lPeter 5:8).
Nagbigay din ang ating Panginoong Jesus ng babala tungkol sa pakikipagdigma nating ''spiritual''
(John 15:18-20)
C. Paano ba tayong mga Mananampalataya (matured christian) tumugon sa mga pagsubok na dumarating sa ating buhay? ( 1 Peter 4:14 )
- "Mangagalak kayo", kahit na tayo ay pinipintasan ng mga tao, o anumang sabihin nila laban sa ating pananampalataya sa ating Panginoon. Hindi tayo pababayaan ng Panginoon ayon sa Kanyang pangako. Kasama natin ang Panginoon sa ating mga pagsubok.
- May mga pagsubok tayong nararanasan sa pananalapi kung minsan. Subalit sa pamamagitan nitong karanasan na ito matututunan nating maging mapagbigay sa ibang nangangailangan dahil tayo mismo nakaranas na minsan ay wala. Magiging mapag-alala din tayo sa iba!!! ( Philippians 4:10 ). nagigipit din tayo "financially" dahil sa ating mga masasamang pagdesisyon sa ating pananalapi, paggastos ng walang kabuluhan o hindi naman kinakailangan.,,, may kristiyano bang mabisyo!?
- Mayruon din tayong pagsubok sa ating mga kalusugan o pisikal na pangangatawan. kung minsan kailangan pang magkatrangkaso ng isang linggo ng isang kristiyano, para lang makapag-devotion ng mabuti sa Panginoon. Para lang makapanalangin ng maayos sa ating Panginoon.
- Kung minsan may dumarating na ''emotional problems'' sa atin. Dahil sa problemang iyan, nagagamit tayo ng Panginoon para sa pag-caounsel sa ibang kapatirang nangangailangan ng payo mula sa mga kristiyano.
EMOTIONAL PROBLEMS TEACH US TO LEAN ON THE LORD JESUS CHRIST.
No comments:
Post a Comment