About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Thursday, January 23, 2014

Simpleng Kasaysayan mula sa Bibliya

     
Nagkasala ang Tao
Genesis 3:1-6

 Ang ahas ang pinakatusong hayop sa lahat ng nilikha ng Diyos na mga hayop.  Minsan tinanong nito ang babae;

'' Totoo bang  sinabi ng Diyos na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?''

Tumugon ang babae,

''Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga  ng puno na nasa gitna niyaon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamatay kami.''

''Hindi totoo yan, hindi kayo mamatay,'' wika ng ahas.

''Gayon ang sabi ng Diyos, sapagkat alam Niyang kung kakain kayo ng bunga niyon, magkakaruon kayo ng pagkaunawa. kayo'y magiging parang Diyos; malalaman ninyo ang mabuti at masama.''

Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito.  Nabuo sa isipan niya na mabuti ang maging marunong  kaya't pumitas siya ng bunga at kumain. Kumuha rin siya para sa kanyang asawa, at kumain din ito.

Nagkaruon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtagni-tagni at ginawang panakip sa katawan.


1 comment:

  1. dahil sa simpleng pagsuway, kinailangan ng Diyos Ama na isugo ang kanyang bugtong na anak sa lupa upang tubusin ang sangkatauhan sa kabayaran ng kasalanan. Praise God for Salvation through Faith in Christ Jesus.

    ReplyDelete