Ngayon ang panahon upang tayo ay magtatag,,,
Bagong Taon, bagong panimula, bagong pag-asa mula sa ating Panginoon.
Ano ba ang inaasahan mo sa taong ito, 2014?
Kung tutuusin,,, maraming dapat asahan, subalit, ano kaya ang magiging bahagi natin sa magagandang parte ng inaasahan nating mabuti para sa taong 2014?
2014, sa biyaya ng Diyos, naranasan pa natin ang pagdatng nito sa ating buhay?! kaya't huwag nating sayangin ang pagkakataong ito. Ito ay biyaya ng Diyos, at ang biyaya ng Diyos ay laging sariwa araw-araw.
Kung wala ka pang RELASYON sa ating Panginoong Jesus, ngayon ang panahon upang tanggapin mo siya bilang sarili mong tagapag-ligtas at Panginoon ng iyong buhay.
Pagsisihan mo na ikaw ay makasalanan, at ang iyong mga kasalanan.
Paniwalaan mong lahat ng ginawa Niya sa krus ng kalbaryo para sa pagtubos ng kasalanan.
Manampalataya ka sa Panginoong Jesu-Kristo at bigkasin mo ito sa iyong bibig na kahit pabulong, Romans 10:13 " For whosoeveer shall call upon the name of the Lord shall be saved.".
Paniwalaan mo at panghawakan mo ang pangako ng Diyos at pagpapatunay ng Kanyang pag-ibig sa atin na nakasaad sa Banal na Kasulatan:
John 3:16 For GOD so loved the world, that HE gave HIS only begotten SON, that whosoever believeth in HIM should not perish but have everlasting life.)
"Turn, O backsliding children, saith the LORD' for I am married unto you: and I will take you one of a city, and two of a family, and I will bring you to Zion: And I will give you a pastors according to mine heart, which shall feed you with with knowledge and understanding." - Jeremiah 3:14, 15
About Me
- kingjosiah
- Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper
Thursday, January 23, 2014
Simpleng Kasaysayan mula sa Bibliya
Nagkasala ang Tao
Genesis 3:1-6
Ang ahas ang pinakatusong hayop sa lahat ng nilikha ng Diyos na mga hayop. Minsan tinanong nito ang babae;
'' Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?''
Tumugon ang babae,
''Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyaon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamatay kami.''
''Hindi totoo yan, hindi kayo mamatay,'' wika ng ahas.
''Gayon ang sabi ng Diyos, sapagkat alam Niyang kung kakain kayo ng bunga niyon, magkakaruon kayo ng pagkaunawa. kayo'y magiging parang Diyos; malalaman ninyo ang mabuti at masama.''
Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Nabuo sa isipan niya na mabuti ang maging marunong kaya't pumitas siya ng bunga at kumain. Kumuha rin siya para sa kanyang asawa, at kumain din ito.
Nagkaruon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtagni-tagni at ginawang panakip sa katawan.
Subscribe to:
Posts (Atom)