About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Wednesday, May 27, 2015

“SERVE CONSISTENTLY”

                                                                                                            
Pastor Virgilio S. Mallari  
 “SERVE  CONSISTENTLY”

 I CORINTHIANS 9:24-27,
 24 Know ye not that they which run in a race run all, but one receiveth the prize? So run, that ye may obtain.   25 And every man that striveth for the mastery is temperate in all things. Now they do it to obtain a corruptible crown; but we an incorruptible.   26 I therefore so run, not as uncertainly; so fight I, not as one that beateth the air:   27 But I keep under my body, and bring it into subjection: lest that by any means, when I have preached to others, I myself should be a castaway.

 PHILIPPIANS 3:13-14,
13 Brethren, I count not myself to have apprehended: but this one thing I do, forgetting those things which are behind, and reaching forth unto those things which are before,   14 I press toward the mark for the prize of the high calling of God in Christ Jesus.

  HEBREWS 12:1-2
  1 Wherefore seeing we also are compassed about with so great a cloud of witnesses, let us lay aside every weight, and the sin which doth so easily beset us, and let us run with patience the race that is set before us,   2 Looking unto Jesus the author and finisher of our faith; who for the joy that was set before him endured the cross, despising the shame, and is set down at the right hand of the throne of God.  



INTRODUCTION:    Ikinumpara ng Biblia ang buhay kristiano sa isang takbuhin o “race”. Bawat taon, bagong takbuhin, bagong destino, bagong biyahe. Bawat taon nagdadla sa atin papalapit sa ating destinasyon (goal).
                                Lahat ng manananakbo ay umaasam na manalo!  Ano ang gagawin natin upang manalo?
I.                    KAILANGAN NATIN NG DISIPLINA   (I Cor.  9:24-27)
·         Bilang mananampalataya, kailangan nating madisiplina
o   Disiplina sa ating “devotional life”
o   Disiplina sa ating pag-iisip
o   Disiplina sa ating sasabihin
o   Disiplina sa pag-gawa ng mabuti/tama (Biblically)
·         Sikapin nating makamit ang “self-control”  - ito ay nagmumula sa Banal na Spiritu.   (Galatians 5:21-22 – fruit of the Spirit)
·         Dapat na pangunahan tayo ng Banal na Spiritu,  hindi ng ating sarili/laman “flesh”
·         Dapat ding mapuspos tayo ng banal na Spiritu (Filled with the Holy Spirit/ Spirit controlled) “ know ye not that your body is the temple of the Holy Gost”


II.                  KAILANGAN NATIN NG DIREKSYON    (Phil. 3:13-14)
·         Hindi tayo mananalo kung palagi tayong tumitingin sa likuran habang tumatakbo!
o   Kalimutan ang mga bagay na nalampasan na
o   Kalimutan na ang mga nakalipas na pangyayari sa buhay, kabiguan man o katagumpayan
o   Kalimutan ang mga dating pagkakamali at mga tinamong sugat
·         “ Reaching forth unto those things which are before”
o   Sikapin nating maka-abante na may pag-aasam na maabot ang  hangganan
o   Sakmalin natin kung kinakailangan, hawakang mabuti, ang mga pagkakataong mapaglingkuran ang Panginoong Jesukristo
·         Mamuhay na nasa isipan ang “eternal reward” (prize of a higher calling)
o   Alalahanin nating may dadanasing “kalugihan” ang isang mananampalataya pagdating ng araw na bigayan na ng “rewards” (kung anuman ang magiging karamdaman niya sa araw nay n hindi ko alam, walang nakasulat sa Biblia)
·         Presssing “toward the mark”
o   Sikapin nating “best time” ang maibigay natin  sa paglilingkod sa Panginoon
*      Hindi nale-late sa pagdalo sa panambahan (not on time but ahead of time)
*      Anuman ang ating gagawain, gawin ito sa ikalulugod ng Panginoong Jesus
o   Lagi nating asahan ang muling pagbabalik ng ating Panginoon

III.                KAILANGAN NATIN NG DAMIT PARA SA TAKBUHAN   (Heb. 12:1-2)
·          “lay aside every weight”
o  Kailangang magaan ang pakiramdam ng isang mananakbo upang makatakbo ng mabilis, walang dala-dala ng anumang bagay sa katawan na magiging dahilan para bumagal.
o Ang takbuhing ito ay tulad sa “marathon, decathon”, mahabaang takbuhan
Sa marathon ang suot nilang damit iyong tinatawag na “air-cool manipis na para ng wala kang suot
o   Spiritually speaking, ang mga kasalanan ay kabigatan sa ating pagpapatuloy sa takbuhing nasa ating harapan
·         Anong mga kabigatan ang nagpapabagal sa iyong pag-usad sa buhay-mananampalataya?
o   Ikaw ba’y pinababagal ng mga alalahanin
o   Ikaw ba’y naging manhid upang magpatawad
o   Punong-puno ka na ba ng mga ‘’negatibo’’ , mga maling prinsipyo, o maling pananaw.
·         Ang  “Winner”, inaalis ang lahat ng bigat na magsisilbing sagabal sa kanyang bilis sa pagtakbo.


CHALLENGE:
Kumusta ka na sa iyong taunang pagtakbo?
Ang lahat ng pagsisikap nating maabot ang hangganan sa ating takbuhin ay may kaluob na di matatawarang “Premyo’’ mula sa ating Panginoon

To GOD be the glory!


No comments:

Post a Comment