About Me

My photo
Bible student, Bible believer, a son, a friend, an encourager, a teacher-helper, pastor-helper

Wednesday, October 19, 2011

Unanswered Prayer


(Juan 11:1-39)
Introduction:
Patuloy ba tayong naghihintay sa Panginoon para sa mga unanswered prayers natin?

Para bang napakatagal na ng paghihintay natin?
O tuwirang hindi Niya sinagot ang ating mga panalangin.

Matutunan nawa natin sa ating pag-aaral ngayon ang prinsipyong ‘paano kumilos ang ating Panginoon sa mga “unanswered prayer “ sa ating buhay.

A.Ibig ng Diyos na Ilapit natin sa Kanya ang mga Alalahanin natin

(v.1)- hindi na bago sa Panginoon ang pagkakasakit ng kanyang mga mahal, mga mananampalataya,, bagamat hindi ito ang kanyang pangunahing layunin,,,

(v.2-3) -Ibig ng Diyos na ilapit natin sa panalangin sa kanya ang lahat ng ating mga alalahanin, mga mahal sa buhay na may pangangailangan, o may karamdaman.

(v.4) – subalit hindi agad na tumutugon ang  Panginoon  sa ating mga panalangin tulad ng inaasam natin!!
 Mayruong mas maganda at napaka-gracious na intensyon ang ating Diyos kung bakit nadedelay ang kanyang pagtugon---- ito'y para sa ikaluluwalhati ng Diyos.

Mahal ni Jesus si Lazarus, pero kailangan Niyang gawin iyon!
Kung sa atin man mangyari iyon, -  sa ating mga panalangin!!! Ang dapat lang natin gawin: (psalm 62:8) “ Trust in HIM at ALL times”, magpatuloy tayo sa pagtitiwala at umasa sa Kanya sa lahat ng panahon.

Masaya ba ang Diyos kung tayo ay naghihirap sa ating kalagayan? Kung tayo ay nabibigatan? HINDI! Naluluwalhati Siya sapagkat dahil dito sa ating kalagayan, naipapahayag natin ang pangangailangan natin sa Kanya bilang Diyos natin na tanging aasahan sa lahat ng pangangailangan,at lubos natin naipapamalas ang ating pag-titiwala sa kanya, at napapalakas ang ating pananampalataya.

B. Ang Tunay na Layunin ng Pag-“Delay” ng Panginoon: (vv.14-15)

Upang ang ibang tao, sa ating paligid na wala pa sa pananampalataya sa Panginoong Jesus ay magkaruon ng pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng ating nararanasan. – AMEN!

Sa katulad na pangyayari naman, may dakilang layunin ang Panginoong Diyos para sa atin  kaya’t hindi Niya laging tinutugon ang ating mga panalangin sa paraang inaasahan natin, o kung kailan natin inaasahan ito! Minsan may mga ginagamit siyang tao para i-delay ang sagot niya,,, minsan ang kasambahay natin,,, minsan pangyayari sa ibang tao na nasasangkot tayo.

(Romans 8:28-29) – lagi nating maasahan ang ating Panginoong Jesus na gagawin Niya ang lahat ng bagay para sa ikabubuti natin – dahil nuong una pa bago patayo  ipanganak sa mundo ,,, may nakatalaga na sa atin – at ito ay ang maging katulad ng larawan ng kanyang Anak! (Christ-likeness).

C.  ANO ang dahilan ng pagtangis ng Panginoong Jesu-Cristo  (vv. 32-36)
Bagamat alam ng panginoon itong nangyari kina Lazarus ay para sa kaluwalhatian ng Diyos,,, naruon pa rin ang pagpapakita ng Panginoon ng pagdamay sa magkakapatid dahil sa pagkawala ng kanilang kapatid na si lazarus.

Naruruon ang kahabagan ng Panginoon sa mga nararanasan o nararamdaman natin,,, kung hirap-na-hirap ka na sa kalagayan mo o karamdaman mo,,, doble ang paghihirap ng kaluoban ng Panginoon para sa iyo. Sobrang habag ng Panginoon sa magkakapatid kaya Siya ay tumangis. Paano ba ang mawalan ng mahal sa buhay?

Dalawang REACTION ng mga Judio sa Pagtangis ng Panginoon  (vv.35-37)
            
               Positive (+) at negative (-) !

1.       Kung ang Panginoon ay matagal sa kanyang pagtugonsa kahilingan natin mula sa panalangin,,,  napaka dali nating magduda! Magalinlangan?! – gagaling pa ba ako? Aasenso pa ba ako? Giginhawa pa ba ako? BAKIT kaya pinahihintulot ng Panginoon na maranasan ko ito?
2.       Kung tayo ba ay nahihirapan, o di kaya nakikita natin ang ibang taong nagdaramdam,,, naitutuon ba natin ang ating paningin sa  pag-ibig ng Diyos para sa iba o nakatuon tayo duon sa hindi pagkilos ng Panginoon para sa pangangailangan ng isang taong nangangailangan.

Ang ISANG MABUTING AMA, ay tumutugon sa kanyang anak na may pagmamahal at pagkahabag kung sila ay may  dinaramdam,,,o pangangailangan lalo na sa problema bilang isang indibidwal.

Pag lumapit ba sa inyo ang inyong anak at humingi ng pagkain bibigyan ninyo ng lason?! –o eto lason mamatay ka na!?  HINDI! Kahit pasaway iyan at laging tumataas ang “high blood” mo!


TULAD sa Diyos Ama, dahil tayo ay kanyang mga anak (Juan 1:12) ang ating Panginoong Diyos ay, nag-aalala sa atin kung tayo man ay dinaramdam,(Psalm 103:13-14)- kanyang pinagagaling ang pusong sugatan (Psalm 147:3) 


D.PAANO NATIN MAKITA TINUGON NG Diyos ang ating panalangin?( Juan 11:39)

Kailangan natin minsan na gawin ang mga pinag-uutos sa atin ng Panginoon mula sa kanyang mga Salita, na para bang para sa atin walang saysay.
 "Alisin ang bato?!" , ito ang utos ng Panginoon upang maisakatuparan ang kanyang gagawin para kay lazarus at sa mga nakapaligid sa kanya.

Obserbahan: 
Si Martha. (v.39)
Bakit tumanggi si Martha na  alisin ang bato?
Sa pagka-alam niya nabubulok na si Lazarus, wala ng saysay pa,,, Amen!!
Minsan ganuon tayo sa ating buhay pananampalataya,, 

kadalasan pagpinagsasa-ulo tayo ng mga talata ,,, sa isip natin:  hindi naman “applicable”sa akin ang verse na ito,,
Bakit,? Kasi namimili ka lang ng magagandang talata na gusto mo lang angkinin.

Application:
"BATO" - naglalarawan ng ating kaisipan, sariling paniniwala, atbp. - silbing hadlang sa mga plano ng ating Diyos para tayo mabiyayaan. 
kailangang mawala ang mga kakitiran ng ating pag-iisip, kasalanan sa ating mga puso. at kung mawala ang batong ito ,,, ang mga palapalagay na nagiging matibay na sandigan sa buhay subalit walang matibay na batayan,magkakaruon ng daan  upang ang Salita ng Diyos ay makapasok sa puso.  


Kung ating tatanggapin ang Salita ng Panginoon at  magtiwala sa kkanyang kapangyarihan at katapatan, makikita natin ang kaluwalhatian ng Diyos.

Kailangan nating alisin ang nakaharang sa ating puso - ang bato,,,!

Naranasan nyo na ba ang Panginoon sa kanyang Salita, na may gusto Siyang ipagawa sa iyo, pero sa iyong isipan,,, "wala namang kwenta" hindi ako ang tinutukoy dito?!",, subalit kailangang gawin mo,,,kailangan pala iyon para matugunan ang kahilingan mo.

Illustration:
" Confess your sin! "– alam mo wala ka namang kasalanan.
" Forgive" – alam mo wala ka namang nakaaway o nagawan ng kasalanan.(guilty tayo lahat-  binasa lang natin pero walang action na ginawa - walang pagtugon)

Ang hamon ng Salita ng Panginoon,,
May panalangin ka bang hindi tinutugon ng Panginoon,,, "alisin ang bato!", tinig ng Panginoon para sa iyo...
una kailangang aminin mo sa iyong sarili na ikaw ay makasalanan-pagsisihan mo ang iyong kasalanan sa oras na ito.
tanggapin mo na kailangan mo ng isang tagapagligtas - ang panginoong Jesus ang kailangan mo. 
Tanggapin mo Siya bilang sarili mong tagapagligtas at Panginoon- tumawag ka sa Kanyang pangalan sa panalangin (Roma 10:13) - ang sinumang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas..

Sa mga mananampalataya, manatili tayo sa pagtitiwala sa Salita ng Panginoon, lagi nating asahan na ang pagtugon ng Panginoon sa ating mga panalangin ay hindi ayon sa mga inaasahan natin o ayon sa ating inaakala. kailangan nating sumunod lagi sa mga ipinag-uutos ng Diyos sa atin mula sa kanyang Salita kahit pa nga ito ay tila walang katuturan para sa atin.

Magpasalamat tayong lagi sa Diyos, sa kabila ng ating kawalan ng katapatan sa kanya - nananatili pa rin ang katapatan at biyaya ng Diyos sa atin, anuman ang maging kasalanan natin at pagkukulang natin sa ating Panginoong Diyos. 

Kadalasan sa ating buhay, alam agad natin kung bakit hindi tinugon ng Panginoon ang ating mga panalangin. Maaaring sa "hindi" na pagtugon ng Panginoon ay maglalagay naman sa atin sa mas mainam na kalagayan - tulad ng mataas na puwesto sa trabaho o di kaya suweldo, sa mga kabinataan/kadalagahan na naghangad ng makakasama sa habang buhay, mas karapatdapat na mapapangasawa ang ibibigy sa iyo ng Panginoon kaya di Niya tinugon o ibinigay ang hinihiling mong "partner" sa buhay - "thy will be done Lord" huwag "give me John", ang dapat ipanalangin.
Sa hindi pagtugon sa ating panalangin, maaari ring tulad kina Maria at Marta - napatotoohan natin ang isang kagulat-gulat na himala mula sa Panginoon na nagturo sa mga tao patungo sa ating Panginoong Jesus.


Sa kabilang banda naman, sa hindi pagtugon sa ating panalangin, ito naman ang nagtutulak sa atin na magduda o magalinlangan. kung para bang  hindi naririnig ang ating mga karaingan, ang hamon sa atin - patuloy tayong lumapit sa Panginoon,at pagkatiwalaan Siya.


Tuesday, October 11, 2011

Bakit natin Babasahin ang Bibliya?


Dahil ang mensahe nito  ay tama at walang pagbabago:
Sapagkat, “ Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, at ang lahat ng karangalan ng tao ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo’y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta; Datapuwat ang Salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabuting balita na ipinararangal sa inyo.” – (1 Pedro 1:24,25)
“Sapagkat ang Salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat Niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.” (Awit 33:4)

Sapagkat ito ay kinasihan ng Diyos:
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.” (2 Timoteo 3:16)
“At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso; Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” (2 Pedro 2:19-21)

Sapagkat  ipinapakita nito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan:
 “At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” (2 Timoteo 3:15)
“Kung tinatanggap natin ang patutuo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Diyos: sapagkat ito papatotoo tungkol sa kanyang Anak. Ang nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanya: ang hindi nananampalataya sa Diyos ay ginagawang isang sinungaling ang Diyos:  sapagkat hindi sumasampalataya sa patotoo na ibinigy ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.  At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.” ( 1 Juan 5:9-12)
“Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.” ( Juan 3:16-18)